1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito

Pagpapanibago Nangako ang kapatid ko na maglalakad sa Sagradong Tahanan ni Allah na walang tsinelas,Kaya ipinag-utos niya sa akin na itanong ko ito [Kung ano nararapat niyang gawin] para sa kanya sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Kaya itinanong ko ito sa kanya, at Nagsabi siya: maglalakad siya at sasakay

عن عُقْبَة بْن عَامِرٍ رضي الله عنه قال: «نَذَرَتْ أُخْتِي أَنْ تَمْشِيَ إلَى بَيْتِ الله الْحَرَامِ حَافِيَةً، فَأَمَرَتْنِي أَنْ أَسْتَفْتِيَ لَهَا رَسُولَ الله صلى الله عليه وسلم فَاسْتَفْتَيْتُهُ، فَقَالَ: لِتَمْشِ وَلْتَرْكَبْ».

Ayon kay 'Uqbah bin 'Āmir-malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi: ((Nangako ang kapatid ko na maglalakad sa Sagradong Tahanan ni Allah na walang tsinelas,Kaya ipinag-utos niya sa akin na itanong ko ito [Kung ano nararapat niyang gawin] para sa kanya sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Kaya itinanong ko ito sa kanya, at Nagsabi siya: maglalakad siya at sasakay))

Tumpak Napagkaisahan ang katumpakan

Ang pagpapaliwanag

Kabilang sa mga naka-ugalian ng Tao ang magmadali paminsan-minsan,Kaya`t naoobliga niya sa sarili niya ang mga bagay na mahirap sa kanya,At tunay na ipinag-utos ng Batas natin sa Islam ang pagiging katamtaman at hindi pagpapahirap sa sarili [sa pagsasagawa ng] pagsamba upang itoy maging tuloy-tuloy. Sa Hadith na ito,hiniling ng kapatid ni `Uqbah bin `Āmir,na itanong sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Kapag siya ay nakapangako na pumunta sa Sagradong Tahanan ni Allah na maglalakad na walang tsinelas,Nakita ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na ang babaing ito ay nagtitiis ng ilang bagay sa paglalakad,kaya ipinag-utos niya sa kanya na maglakad sa abot ng kanyang makakaya at sumakay kapag wala na siyang kakayahan sa paglalakad

Paglalahad ng mga salin

17 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
UG ئۇيغۇرچە Uyghur
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
FR Français Ang Wikang Pranses
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges
ML മലയാളം Malayalam