1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang Pinaniniwalaan

Pagpapanibago Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, hindi papanaw ang Mundo hanggang sa maparaan ang lalaki sa isang puntod at magpapagulong-gulong sa ibabaw nito at magsasabi: "O kung sana ako ay nasa kinalalagyan ng nakalibing sa puntod na ito." Wala siyang [dahilan mula sa] relihiyon; wala siyang [dahilan] kundi ang kasawian.

عن أبي هريرة رضي الله عنه قالَ: قالَ رَسُولُ اللَّه -صَلّى اللهُ عَلَيْهِ وسَلَّم-: «والذي نفسي بيده لا تذهب الدنيا حتى يمر الرجل على القبر، فَيَتَمَرَّغَ عليه ويقول: يا ليتني كنت مكان صاحب هذا القبر، وليس به الدِّينُ، ما به إلا البلاء».

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, hindi papanaw ang Mundo hanggang sa maparaan ang lalaki sa isang puntod at magpapagulong-gulong sa ibabaw nito at magsasabi: "O kung sana ako ay nasa kinalalagyan ng nakalibing sa puntod na ito." Wala siyang [dahilan mula sa] relihiyon; wala siyang [dahilan] kundi ang kasawian."

Tumpak Napagkaisahan ang katumpakan

Ang pagpapaliwanag

Ipinababatid sa atin ng Marangal na Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na sa huling panahon ay mapararaan ang lalaki sa isang puntod ng tao at magpapagulong-gulong siya sa alabok nito. Nanaisin niya na malagay roon dahil sa dumapo sa kanya na mga paghihirap sa mundo at dahil sa dami ng mga tukso at mga pagsubok. Mimithiin niya iyon dahil ang patay ay nakapahinga na sa pahirap ng Mundo at pasakit nito. Hindi nasaad sa hadith ang pagmimithi ng kamatayan. Ito ay pagpapabatid lamang hinggil sa mangyayari sa huling panahon.

Paglalahad ng mga salin

16 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
FR Français Ang Wikang Pranses
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa