1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan

Pagpapanibago Kung naisin ng dakilang Allah sa kanyang alipin na bigyan ng kabutihan ay madaliin niya sa kanya ang parusa sa mundong ibabaw, at kung naisin ng dakilang Allah sa kanyang alipin na bigyan siya ng kasamaan ay kanya itong pipigilan bunsod ng kanyang nagawang kasalan at ito'y ibibigay sa kanya sa kabilang buhay.

عن أنس -رضي الله عنه - أن رسول الله صلى الله عليه وسلم قال: "إذا أراد الله بعبده الخير عجل له العقوبة في الدنيا، وإذا أراد بعبده الشر أمسك عنه بذنبه حتى يُوَافِيَ به يومَ القيامة".

Mula kay Anas -Malugod sa kanya ang Allah- katotohanan na ang Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay nagsabi: "Kung naisin ng dakilang Allah sa kanyang alipin na bigyan ng kabutihan ay madaliin niya sa kanya ang parusa sa mundong ibabaw, at kung naisin ng dakilang Allah sa kanyang alipin na bigyan siya ng kasamaan ay kanya itong pipigilan bunsod ng kanyang nagawang kasalan at ito'y ibibigay sa kanya sa kabilang buhay".

Tumpak Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy

Ang pagpapaliwanag

Sinabi ng Propeta -Pagpalain siya ng Allah at pangalagaan- Katotohanan na ang palatandaan ng kabutihang pagpapasya ng dakilang Allah sa alipin niya ay madaliin niya ang pag-bibigay ng parusa sa kanya bunsod ng nagawang kasalanan dito sa mundo hanggang sa lumabas siya sa mundo wala na siyang kasalanan na ibibigay sa kanya sa kabilang buhay; dahil ang sinuman ang natantya ang kanyang gawain dito sa mundo ay gagaan ang kanyang pagkakautang sa kabilang-buhay. At mula sa mga palatandaan ng masamang-atas sa isang alipin ay di pagbabayad sa kasalanang nagawa dito sa mundo hanggang dumating sa araw ng paghuhukom ay dala-dala ang mga kasalanan at ibibigay sa kanya, tutumbasan siya kung ano ang nararapat sa kanya sa araw ng pagkabuhay.

Paglalahad ng mga salin

15 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
UG ئۇيغۇرچە Uyghur
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
FR Français Ang Wikang Pranses
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa