1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang Pinaniniwalaan

Pagpapanibago Walang iba ang pitong langit at ang pitong lupa sa palad ng Napakamaawain kundi gaya ng buto ng mustasa sa kamay ng isa sa inyo.

عن عبد الله بن عباس رضي الله عنهما قال: "ما السماوات السبع والأرضون السبع في كَفِّ الرحمن إلا كَخَرْدَلَةٍ في يد أحدكم".

Ayon kay `Abdullāh bin `Abbās, malugod si Allah sa kanilang dalawa, na nagsabi: "Walang iba ang pitong langit at ang pitong lupa sa palad ng Napakamaawain kundi gaya ng buto ng mustasa sa kamay ng isa sa inyo."

Ipinarating ni Al-Albānīy sa Pagtutumpak niya buhat kay Ibnu Taymiyah at hindi niya tinunton ito Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Jarir - Isinaysay ito ni Adh-Dhahabiy sa Al-Uluw - Isinaysay ito ni Abdullah na anak ni Imām Aḥmad

Ang pagpapaliwanag

Ipinababatid sa atin ni Ibnu `Abbās, malugod si Allah sa kanilang dalawa, sa ulat na ito na ang proporsiyon ng pitong langit at pitong lupa kaalinsabay ng laki ng mga ito kung ihahambing sa palad ni Allah na Napakamaawain ay gaya ng sukat ng maliit na buto ng mustasa sa kamay ng isa sa atin. Iyon ay isang pagwawangis sa isang sukat kung ihahambing sa isa pang sukat, hindi pagwawangis ng isang palad sa iba pang palad dahil si Allah ay hindi maiwawangis sa mga katangian Niya ang anuman gaya ng hindi pagkakawangis ng sarili Niya sa anuman.

Paglalahad ng mga salin

17 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
FR Français Ang Wikang Pranses
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges
SW Kiswahili Swahili