1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito

Pagpapanibago Nakita ko si Ibn `Umar na pumunta sa isang lalaking pina-upo nito ang kamelyo niya,kakatayin niya ito,Nagsabi siya: Gawin mo itong nakatayo,na nakatali,Ito ang Sunnah ni Propeta Muhammad-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-

عن زياد بن جبير قال: رَأَيتُ ابنَ عُمَرَ أَتَى عَلَى رجل قد أَنَاخَ بَدَنَتَهُ، فَنَحَرَهَا، فَقَالَ: ابْعَثْهَا قِيَاماً مُقَيَّدَةً، سُنَّةَ مُحَمَّدٍ -صلَّى الله عليه وسلَّم-.

Ayon kay Ziyad bin Jubayr,siya ay nagsabi: Nakita ko si Ibn `Umar na pumunta sa isang lalaking pina-upo nito ang kamelyo niya,kakatayin niya ito,Nagsabi siya: Gawin mo itong nakatayo,na nakatali,Ito ang Sunnah ni Propeta Muhammad-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-

Tumpak Napagkaisahan ang katumpakan

Ang pagpapaliwanag

Ang Sunnah sa Baka at Tupa at ang iba pa mula rito-maliban sa kamelyo-ay ang pagkatay rito sa lalamunan na nakahiga tagiliran nitong kaliwa,at nakaharap sa Qiblah.Subalit ang kamelyo,Ang Sunnah ay ang pagkatay rito sa leeg ,nakatali ang kaliwa nitong kamay,Dahil sa pamamagitan nito ay nakakapag-pahinga siya,dahil sa bilis ng paglabas ng kaluluwa niya,Kung-kayat nang dumaan si `Abdullah bin `Umar-malugod si Allah sa kanya-sa isang lalaking,gusto katayin ang kamelyo nitong naka-upo,Sinabi niyang: Gawin mo itong nakatayo,at nakatali,dahil ito ay Sunnah ni Propeta Muhammad-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na siyang naging huwaran sa magandang pag-uugali sa Qur-an,sa [pamamaraan] ng pagkatay nito.Sa Sinabi Niyang: (Kaya`t kapag silay ay maitumba na ninyo) Ibig sabihin: naitumba,At ang pagtumba ay hindi magaganap maliban sa ito ay mula [sa kanyang] pagtindig.

Paglalahad ng mga salin

15 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
FR Français Ang Wikang Pranses
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
PT Português Portuges