1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang Pag-aanyaya at ang Pagpapanagot

Pagpapanibago Huwag kayong mangulit sa paghingi sapagkat sumpa man kay Allah kapag hinihingan ako ng isa kabilang sa inyo at naibigay sa kanya ang hinihingi niya mula sa akin na anuman samantalang ako ay naiinis hindi siya pagpapalain sa ibinigay ko sa kanya.

عن معاوية بن أبي سفيان رضي الله عنهما قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «لا تُلْحِفُوا في المسأَلة، فوالله لا يَسْألني أحدٌ منكم شيئًا، فَتُخْرِجَ له مسألته منِّي شيئًا وأنا له كارِهٌ، فيُبَارَك له فيما أَعْطَيتُه».

Ayon kay Mu`āwiyah bin Abī Sufyān, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Huwag kayong mangulit sa paghingi sapagkat sumpa man kay Allah kapag hinihingan ako ng isa kabilang sa inyo at naibigay sa kanya ang hinihingi niya mula sa akin na anuman samantalang ako ay naiinis hindi siya pagpapalain sa ibinigay ko sa kanya."

Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim

Ang pagpapaliwanag

Ipinababatid ni Mu`āwiyah ayon sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang pagbabawal sa pangungulit sa paghingi. Ibig sabihin: Huwag kayong magpakalabis sa pagpupumilit. Nangungulit sa paghingi kapag nagpupumilit doon. Ang pangungulit na ito ay nag-aalis ng pagpapala sa bagay na ibinigay. Pagkatapos ay nanumpa siya na kapag manghihingi sa kanya ng anuman nang may pangungulit ng isa sa kanila at ibibigay ang hinihingi nito samantalang siya ay naiinis sa pamimilit na magbibigay o sa pagkakabigay na iyon, hindi pagpapalain ito sa ibinigay rito bunsod ng pangungulit.

Paglalahad ng mga salin

16 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
FR Français Ang Wikang Pranses
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa