1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang Ḥadīth at ang mga Agham Nito

Pagpapanibago Tunay na kabilang sa pinakasukdulan sa mga kabulaanan ay ang mag-angkin ang tao [na anak daw siya] ng hindi niya ama, o [magpanggap na] ipinakita sa mata niya ang hindi niya nakita, o magsabi tungkol sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng hindi nito sinabi.

عن وَاثِلَةَ بن الأَسْقَعِ ـ رضي الله عنه ـ مرفوعاً: «إن من أعظم الفِرَى أن يَدَّعِيَ الرجلُ إلى غير أبيه، أو يُرِي عَيْنَهُ ما لم تَرَ، أو يقول على رسول الله صلى الله عليه وسلم ما لم يَقْلْ».

Ayon kay Wāthilah bin Al-Asqa`, malugod si Allah sa kanya: "Tunay na kabilang sa pinakasukdulan sa mga kabulaanan ay na mag-angkin ang tao [na anak daw siya] ng hindi niya ama, o [magpanggap na] ipinakita sa mata niya ang hindi niya nakita, o magsabi tungkol sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng hindi nito sinabi."

Tumpak Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy

Ang pagpapaliwanag

Tunay na kabilang sa pinakamatinding kasinungalingan kay Allah, pakataas-taas Niya, ay na iugnay ng tao ang sarili niya sa hindi totoong ama niya, o iugnay ng isang [tao ang sarili bilang anak daw] ng hindi naman niya ama at kilalanin naman ito iyon. Ito ay kabilang sa pinakamatindi sa mga uri ng kasinungalingan. Tunay na kabilang sa pinakasukdulang kasinungalingan at pinakamatindi sa ganang kay Allah, pagkataas-taas Niya, na mag-angkin ang tao na nakakita raw siya sa panaginip ng isang bagay na hindi naman talaga niya nakita. Tunay na kabilang sa pinakasukdulang kasinungalingan at pinakamatindi sa ganang kay Allah, pagkataas-taas Niya, din na mag-ugnay sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng isang salita o gawain o pagsang-ayon gayong hindi natagpuan ito mula sa kanya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.

Paglalahad ng mga salin

17 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
FR Français Ang Wikang Pranses
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
TA தமிழ் Tamil