1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito

Pagpapanibago Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay hindi nag-aayuno sa loob ng isang buwan hanggang sa inaakala naming hindi siya nag-aayuno rito,At Nag-aayuno siya hanggang sa aakalain naming hindi siya sumisira [sa pag-aayunong ito] kahit na isang beses lang,At walang gabing [lumilipas na] gusto mo siyang makitang nagdarasal maliban sa siya`y makikita mo,at walang [ gabing gusto mo siyang makita sa ] pagtulog maliban sa siya`y makikita mo.

عن أنس رضي الله عنه قال: كان رسول الله صلى الله عليه وسلم يُفْطِرُ من الشهر حتى نظن أن لا يصوم منه، ويصوم حتى نظن أن لا يُفْطِرَ منه شيئا، وكان لا تَشَاءُ أن تراه من الليل مُصَلِيًا إلا رأيتَه، ولا نائما إلا رأيتَه.

Ayon kay Anas, malugod si Allah sa kanya-Siya ay nagsabi:Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay hindi nag-aayuno sa loob ng isang buwan hanggang sa inaakala naming hindi siya nag-aayuno rito,At Nag-aayuno siya hanggang sa aakalain naming hindi siya sumisira [sa pag-aayunong ito] kahit na isang beses lang,At walang gabing [lumilipas na] gusto mo siyang makitang nagdarasal maliban sa siya`y makikita mo,at walang [ gabing gusto mo siyang makita sa ] tulog maliban sa siya`y makikita mo.

Tumpak Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy

Ang pagpapaliwanag

Ang kahulugan ng Hadith: Ipinapahayag sa atin ni Anas-malugod si Allah sa kanya-ang kalagayan ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa pag-aayuno niya at pagdarasal.Sinasabi niyang siya ay hindi nag-aayuno sa loob ng isang buwan,hanggang sa akalain ng mga tao na siya nag-ayuno rito kahit na isang beses lang,dahil sa dami ng hindi niya pag-aayuno rito. At nag-aayuno siya hanggang sa iisipin na wala siyang sinisirang pag-aayuno rito,dahil sa dami ng pag-ayuno niya rito,At gayunding hindi siya nagtatalaga ng tiyak na oras-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- sa pagdarasal ng gabi,Subalit minsan ay nagdarasal siya sa unang bahagi ng gabi,at minsan ay gitna nito,at minsan ay sa huli nito.Hanggang sa walang gabing gusto mo siyang makitang nagdarasal maliban sa siya ay makikita mo,at walang [ gabing gusto mo siyang makita sa ] tulog maliban sa siya`y makikita mo.Ang gawain niya ay sa pagitan ng pagmamalabis at kapabayaan.

Paglalahad ng mga salin

14 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
UG ئۇيغۇرچە Uyghur
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
FR Français Ang Wikang Pranses
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
KU Kurdî Kurdish