1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan

Pagpapanibago Ang sinumang naggarantiya sa akin na hindi siya hihingi sa mga tao ng anuman ay igagarantiya ko sa kanya ang Paraiso.

عن ثوبان رضي الله عنه قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «من تَكَفَّلَ لي أن لا يسأل الناس شيئًا، وأَتَكَفَّلُ له بالجنة؟» فقلت: أنا، فكان لا يَسأل أحدًا شيئًا.

Ayon kay Thawbān, malugod si Allah sa kanya: "Ang sinumang naggarantiya sa akin na hindi siya hihingi sa mga tao ng anuman ay igagarantiya ko sa kanya ang Paraiso." Kaya nagsabi ako: "Ako po." Kaya hindi na siya nanghihingi sa isa man ng anuman.

Tumpak Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad

Ang pagpapaliwanag

Ang kahulugan ng ḥadīth: Na ang sinumang mangako sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng paghinto sa panghihingi sa mga tao at sa pagpapatulong sa kanila sa pagtugon sa mga pangangailangan, kaunti man o marami, igagarantiya niya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,dito ang Paraiso. Iyon ay dahil sa ang paghinto sa panghihingi sa mga nilikha ay tanda ng pananalig kay Allah at patunay sa lakas ng pag-asa at pagtitiwala kay Allah, pagkataas-taas Niya. Kaya ang ganti sa kanya ay ang pagpapasok sa kanya ni Allah, pagkataas-taas Niya, sa Paraiso. Matapos marinig ni Thawbān, malugod si Allah sa kanya, ang pananalitang ito, nangako siya sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na hindi siya hihingi sa mga tao ng anuman. May nasaad tungkol sa kanya, malugod si Allah sa kanya, gaya ng nasa sanaysay ni Ibnu Mājah: "Kapag nalalalag noon ang latigo niya samantalang siya ay nakasay, hindi siya nagsasabi sa isa man na iabot ito sa kanya yamang bumababa siya at kinukuha ito." Ito ay bilang pagtupad sa pangako na taimtim niyang ginawa sa sarili sa harap ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.

Paglalahad ng mga salin

17 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
UG ئۇيغۇرچە Uyghur
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
FR Français Ang Wikang Pranses
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa