1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito

Pagpapanibago Walang Sadaqah ang mababa sa limang onsa (ng pilak), at wala ding Sadaqah kapag mababa sa limang kamelyo, at wala ding Sadaqah kapag mababa sa limang Awsuq (300 Sa'= ang Sa' ay isang sisidlan na naglalaman ng halos 3 kilo)

عن أبي سعيد الْخُدْرِي رضي الله عنه قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «ليس فيما دون خمس أَوَاقٍ صدقة، ولا فيما دون خمس ذَوْدٍ صدقة، ولا فيما دُونَ خمسة أَوْسُقٍ صدقة».

Mula kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy -Malugod si Allah sa kanya- ay nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allah (pagpalain siya ni Allah at pangalagaan): ((Walang Sadaqah ang mababa sa limang onsa (ng pilak), at wala ding Sadaqah kapag mababa sa limang kamelyo, at wala ding Sadaqah kapag mababa sa limang Awsuq)).

Tumpak Napagkaisahan ang katumpakan

Ang pagpapaliwanag

Ang Zakah (Sadaqah) ay isang aliw sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap, kaya tiyak na hindi kukunin mula sa taong kokonti lang ang kanyang kayamanan hindi maituring na mayaman siya sa kanya. Kaya ang batas ay pinaliwanag ang pinakamababang limit sa sinumang obligado mag Zakah, kaya't sinuman ang nagmamay-ari ng mababa sa pinakababang limit siya ay maituturing kapos at hindi pwede kukunan ng kung anu-ano. At ang may-ari ng pilak ay hindi obliga sa kanya ang Zakah maliban na lamang kung magkaroon siya ng limang onsa, at bawat isang onsa ay apatnaput dirham, sa makatuwid magiging dalawang-daan dirham ang kanyang Nisab (limit) na katumbas ng 590 gramo. At ang may-ari ng kamelyo hindi obliga sa kanya ang Zakah maliban na lamang kung magkaroon siya ng lima at pataas, at kung mababa doon ay wala ng Zakah. At ang may-ari ng pananim at bungang-kahoy hindi obliga sa kanya ang Zakah maliban na lamang kung magkaroon siya limang Awsuq (ang bawat isang wasq ay katumbas ng 60 Sa'), sa makatuwid ang limit niya ay 300 Sa' (ang Sa' ay isang sisidlan na naglalaman ng halos 3 kilo).

Paglalahad ng mga salin

17 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
UG ئۇيغۇرچە Uyghur
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
FR Français Ang Wikang Pranses
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges