1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito

Pagpapanibago Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsesermon ng dalawang beses habang siya ay nakatayo,at pinaghihiwalay niya ang pagitan nito sa pag-upo

عن عبد الله بن عُمر بن الخطاب رضي الله عنهما قال: «كان النبي صلى الله عليه وسلم يخطب خطبتين يقعد بينهما» وفي رواية لجابر - رضي الله عنه-: «كان رسول الله صلى الله عليه وسلم يَخْطُبُ خُطْبَتَيْنِ وهو قائم، يفصل بينهما بجلوس».

Ayon kay `Abdullāh bin `Umar bin Al-Khattab.-malugod si Allah sa kanilang dalawa- ((Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsesermon ng dalawang beses habang siya ay nakatayo,at pinaghihiwalay niya ang pagitan nito sa pag-upo)) At sa isang salaysay ni Jaber-malugod si Allah sa kanya-:((Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsesermon ng dalawang beses habang siya ay nakatayo,at pinaghihiwalay niya ang pagitan nito sa pag-upo))

Tumpak sa dalawang salaysay nito Isinaysay ito ni Imam Al-Bayhaqie - Napagkaisahan ang katumpakan

Ang pagpapaliwanag

Ang araw ng Biyernes ay isang malaking pagtitipon para sa lahat ng nananahan sa kani-kanilang mga lugar,Kung-kaya`t ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kabilang sa karunungan niya, siya ay nagsesermon sa araw ng Biyernes ng dalawang beses,nangangaral sa kanila sa dalawang [sermon] na ito ng kabutihan at nagbibigay babala sa kasamaan.At siya ay nagbibigay ng dalawang sermon na nakatayo sa Al-Minbar,Nang sa ganoon ay maging ganap sa pangangaral niya sa kanila at pagpapayo sa kanila,dahil matatagpuan sa pagtayo ang pagpapakita ng lakas ng Islam at pagmamahal nito.At kapag natapos siya sa unang sermon ,umuupo siya ng panandaliang pag-upo upang makapagpahinga,kaya`t nahihiwalay ang una sa ikalawa,pagkatapos ay tatayo siya at magsesermon para sa ikalawang beses,upang hindi mapagod ang bagsesermon at hindi mayamot ang tagapakinig

Paglalahad ng mga salin

16 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
UG ئۇيغۇرچە Uyghur
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
FR Français Ang Wikang Pranses
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges