1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan

Pagpapanibago Ako ay tagapaggarantiya ng isang bahay sa paligid ng Paraiso para sa sinumang umayaw sa pakikipagtalo, kahit pa man siya ay nasa tama.

عن أبي أمامة الباهلي رضي الله عنه مرفوعاً: «أنا زعيم ببيت في رَبَضِ الجنة لمن ترك المِرَاءَ وإن كان مُحِقًّا، وببيت في وسط الجنة لمن ترك الكذب وإن كان مازحاً، وببيت في أعلى الجنة لمن حَسَّنَ خلقه»

Ayon kay Abū Umāmah Al-Bāhilīy, malugod si Allāh sa kanya: "Ako ay tagapaggarantiya ng isang bahay sa paligid ng Paraiso para sa sinumang umayaw sa pakikipagtalo kahit pa man siya ay nasa tama, ng isang bahay sa gitna ng Paraiso para sa sinumang umayaw sa pagsisinungaling kahit pa man siya ay nagbibiro, at ng isang bahay sa kaitaasan ng Paraiso para sa sinumang nagpaganda ng kaasalan niya."

Maganda Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud

Ang pagpapaliwanag

Ipinabatid ng Propeta, (s), na siya ay naggagarantiya ng isang bahay sa palibot ng Paraiso, sa labas nito, para sa sinumang umayaw sa pakikipagtalo kahit pa man siya ay nasa totoo hinggil doon dahil ito ay isang pagsasayang ng oras at isang dahilan ng pagkamuhi. Gayon din, naggagantriya siya ng isang bahay sa gitna ng Paraiso para sa sinumang umayaw sa pagsisinungaling at pagbabalita ng salungat sa tunay na pangyayari kahit pa man siya ay nagbibiro, at ng isang bahay sa kaitasan ng Paraiso para sa sinumang nagpaganda ng kaasalan niya kahit pa man sa pamamagitan ng pagpipilit sa sarili at pagsasanay nito.

Paglalahad ng mga salin

18 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
FR Français Ang Wikang Pranses
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges
TA தமிழ் Tamil