1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito

Pagpapanibago Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagbawal sa munābadhah. Ito ay ang paghagis ng lalaki ng damit niya sa pagtitinda sa lalaki bago nakapagsuri iyon dito o nakatingin iyon dito. Ipinagbawal niya ang mulāmasah. Ang mulāmasah ay ang pagsalat ng lalaki sa damit nang hindi tumitingin dito.

عن أبي سعيد الخدري رضي الله عنه مرفوعاً: «أن رسول الله صلى الله عليه وسلم نهى عن الْمُنَابَذَةِ-وهي طرح الرجل ثوبه بالبيع إلى الرجل قبل أن يقلبه، أو ينظر إليه-، ونهى عن الْمُلَامَسَةِ -والملامسة: لمس الرجل الثوب ولا ينظر إليه-».

Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allāh sa kanya: "Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagbawal sa Munābadhah. Ito ay ang paghagis ng lalaki ng damit niya sa pagtitinda sa lalaki bago nakapagsuri iyon dito o nakatingin iyon dito. Ipinagbawal niya ang Mulāmasah. Ang Mulāmasah ay ang pagsalat ng lalaki sa damit nang hindi tumitingin dito."

Tumpak Napagkaisahan ang katumpakan

Ang pagpapaliwanag

Ipinagbawal ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang pagtitindang may panlilinlang dahil sa natatamo rito na kapinsalaan sa isa sa nagbibilihan sa pamamagitan ng pagkadaya sa pagtitinda niya o pagbili niya. Iyon ay gaya ng kapag ang paninda ay hindi alam ng nagtitinda o ng mamimili o nilang dalawa. Kabilang dito ang pagtitindang munābadhah kung saan ihinahagis ng tindero ang damit, halimbawa, sa mamimili at napagkakasunduan nila ang bilihan bago natingnan ito o nasuri. Ang tulad nito ay ang mulāmasah gaya ng pagbabatay nila sa pagbibilihan sa paghipo ng damit, halimbawa, bago natingnan ito o nasuri. Ang dalawang paraan ng pagbiling ito ay humahantong sa kawalang-kaalaman at pagkalinlang sa binibili. Ang isa sa nagbibilihan ay nasa ilalim ng panganib bilang nakalalamang o nalalamangan kaya pumapasok sila sa usapin ng sugal na ipinagbabawal.

Paglalahad ng mga salin

16 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
FR Français Ang Wikang Pranses
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges