1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan

Pagpapanibago Alḥamdu lillāhi -lladhī aṭ`amanā wa saqānā wa kafānā wa āwānā, fakam mimman lā kāfiya lahu wa lā mu'wiya. (Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagpakain sa atin, nagpainom sa atin, nagbigay ng kasapatan sa atin, at nagpatira sa atin sapagkat kay rami ng [taong] walang nagbibigay ng kasapatan sa kanya at walang nagpapatuloy.)

عن أنس رضي الله عنه أن رسول الله صلى الله عليه وسلم كان إذا أوى إلى فراشه، قال: «الحمد لله الذي أطعمنا وسقانا، وكفانا وآوانَا، فَكَمْ مِمَّنْ لا كَافِيَ له وَلاَ مُؤْوِيَ».

Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya: "Alḥamdu lillāhi -lladhī aṭ`amanā wa saqānā wa kafānā wa āwānā, fakam mimman lā kāfiya lahu wa lā mu'wiya. (Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagpakain sa atin, nagpainom sa atin, nagbigay ng kasapatan sa atin, at nagpatira sa atin sapagkat kay rami ng [taong] walang nagbibigay ng kasapatan sa kanya at walang nagpapatuloy.)"

Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim

Ang pagpapaliwanag

Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kapag mahihiga na siya noon sa higaan niya, ay nagsasabi: "Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagpakain sa atin, nagpainom sa atin, nagbigay ng kasapatan sa atin, at nagpatira sa atin sapagkat kay rami ng [taong] walang nagbibigay ng kasapatan sa kanya at walang nagpapatuloy." Pinupuri niya si Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, na nagpakain sa kanya at nagpainom sa kanya dahil kung hindi nangyaring si Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, ay nagpadali para sa iyo ng pagkaing ito at inuming ito, hindi ka sana nakakain at hindi ka sana nakainom. Kaya purihin mo si Allāh na nagpakain sa iyo at nagpainom sa iyo. Ang "Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagpakain sa atin, nagpainom sa atin, nagbigay ng kasapatan sa atin, at nagpatira sa atin..." ay nangangahulugang: nagpadali para sa atin ng mga bagay-bagay, nagbigay sa atin ng mga panustos, at gumawa para sa atin ng isang matutuluyang tinutuluyan natin sapagkat kay rami ng taong nabibigayan ng kasapatan at walang tuluyan o walang nagpapatuloy. Kaya naman nararapat sa iyo, kapag pumunta ka sa higaan mo, na sabihin ang dhikr na ito.

Paglalahad ng mga salin

16 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
FR Français Ang Wikang Pranses
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges