1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan

Pagpapanibago O pangkat ng mga lumikas at mga dumamay, tunay na kabilang sa mga kapatid ninyo ay mga taong walang ari-arian at walang lipi kaya magsama ang isa sa inyo sa kanya ng dalawang lalaki o tatlo

عن جابر رضي الله عنه عن رسول الله صلى الله عليه وسلم : أنه أراد أن يغزو، فقال: «يا معشر المهاجرين والأنصار، إن من إخوانكم قومًا ليس لهم مال، ولا عشيرة، فلْيَضُمَّ أحدكم إليه الرَّجُلَيْنِ أو الثلاثة، فما لأحدنا مِن ظَهْر يَحْمِلُه إلا عُقْبَة كعُقْبَة». يعني: أحدهم، قال: فضَمَمْتُ إليَّ اثنين أو ثلاثة ما لي إلا عُقْبَة كعُقْبَة أحدهم من جَمَلي.

Ayon kay Jābir bin`Abdillāh, malugod si Allāh sa kanya, ayon sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: Siya ay nagnais na sumalakay kaya nagsabi siya: "O pangkat ng mga lumikas at mga dumamay, tunay na kabilang sa mga kapatid ninyo ay mga taong walang ari-arian at walang lipi kaya magsama ang isa sa inyo sa kanya ng dalawang lalaki o tatlo sapagkat hindi nagtataglay ang [bawat] isa sa atin ng sasakyang magdadala sa kanya malibang salitan gaya ng salitan." Tinutukoy niya ang [salitan ng bawat] isa sa kanila. Nagsabi ako: "Kaya nagsama ako sa akin ng dalawa o tatlo; wala akong [magagawa] malibang salitang gaya ng salitan ng [bawat] isa sa kanila sa kamelyo ko."

Tumpak Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud

Ang pagpapaliwanag

Ang kahulugan ay na ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nag-utos sa mga Kasamahan niya, malugod si Allāh sa kanila, na maghalilihan ang dalawang lalaki o ang tatlo sa pagsakay sa isang kamelyo nang sa gayon ang mga tao ay maging pantay lahat.

Paglalahad ng mga salin

14 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
FR Français Ang Wikang Pranses
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa