1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan

Pagpapanibago Noong dumating ang mga mamamayan ng Yemen, nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Dumating nga sa inyo ang mga mamamayan ng Yemen.

عن أنس رضي الله عنه قَالَ: لَمَّا جَاءَ أهْلُ اليَمَنِ، قَالَ رسولُ الله صلى الله عليه وسلم : "قَدْ جَاءكُمْ أهْلُ اليَمَنِ" وَهُمْ أوَّلُ مَنْ جَاءَ بِالمُصَافَحَة.

Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: Noong dumating ang mga mamamayan ng Yemen, nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Dumating nga sa inyo ang mga mamamayan ng Yemen. Sila ang unang nagpauso ng pakikipagkamay."

Tumpak Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad

Ang pagpapaliwanag

Ang pagkakasabi niya: "Dumating nga sa inyo ang mga mamamayan ng Yemen" ay isang pagbubunyi sa kalagayan nila at isang paglalantad sa kalamangan nila. Kabilang sa kanila ang mga Ash`arīy, ang mga kalipi ni Abū Mūsā Al-Ash`arīy, malugod si Allah sa kanila. Nagpapatunay rito ang itinala ni Imām Aḥmad sa Musnad niya 155/3. Ayon kay Anas bin Mālik na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Darating sa inyo bukas ang mga taong higit na malambot ang mga puso sa Islam kaysa sa inyo." Sinabi: "Dumating ang mga Ash`arīy; nasa kanila si Abū Mūsā Al-Ash`arīy. Noong nalapit na sila sa Madīnah, nagsimula silang tumula, na nagsasabi: 'Bukas makakatagpo natin ang mga minamahal, sina Muḥammad at ang lapian niya.' Noong nakarating na sila, nakipagkamayan sila. Sila ang unang nagpauso ng pakikipagkamay."

Paglalahad ng mga salin

15 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
UG ئۇيغۇرچە Uyghur
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
FR Français Ang Wikang Pranses
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
HA Hausa Hausa