1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang Pinaniniwalaan

Pagpapanibago May dalawang gawain sa mga tao na sa kanila ay may kawalang-pananampalataya: ang paninirang-puri sa kaangkanan at ang pananaghoy sa patay."}

عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«اثْنَتَانِ فِي النَّاسِ هُمَا بِهِمْ كُفْرٌ: الطَّعْنُ فِي النَّسَبِ، وَالنِّيَاحَةُ عَلَى الْمَيِّتِ».

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"May dalawang gawain sa mga tao na sa kanila ay may kawalang-pananampalataya: ang paninirang-puri sa kaangkanan at ang pananaghoy sa patay."}

Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim Ṣaḥīḥ Muslim - 67

Ang pagpapaliwanag

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa dalawang kakanyahan sa mga tao kabilang sa mga gawain ng mga tagatangging sumampalataya at mga kaasalan ng Panahon ng Kamangmangan. Ang dalawang ito ay:
Una: Ang paninirang-puri sa mga kaangkanan ng mga tao, ang pagmamaliit sa kanila, at ang pagpapakamalaki laban sa kanila.
Ikalawa: Ang pagtataas ng tinig sa sandali ng kasawiang-palad bilang pagkainis sa pagtatakda o ang pagpunit ng mga damit dahil sa tindi ng pagdadalamhati.

من فوائد الحديث

  1. Ang paghimok sa pagpapakumbaba at hindi pagpapakamalaki sa mga tao.
  2. Ang pagkakinakailangan ng pagtitiis sa kasawiang-palad at hindi pagkainis.
  3. Ang mga gawaing ito ay kabilang sa maliit na kawalang-pananampalataya. Ang sinumang nakapagsagawa nito na isang sangay kabilang sa mga sangay ng kawalang-paniniwala ay hindi nagiging isang tagtangging sumampalataya na nakagawa ng kawalang-pananampalatayang nagpapalabas sa kapaniwalaan hanggang sa umiral sa kanya ang malaking kawalang-pananampalataya.
  4. Sumaway ang Islām laban sa bawat anumang nagpapahantong sa pagkakahati-hati sa pagitan ng mga Muslim gaya ng paninirang-puri sa mga kaangkanan at iba pa rito.

Paglalahad ng mga salin

50 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges
ML മലയാളം Malayalam
TE తెలుగు Telugu
SW Kiswahili Swahili
TA தமிழ் Tamil
MY မြန်မာ Burmese
TH ไทย Thailand
DE Deutsch Aleman
PS پښتو Pushto
AS অসমীয়া Asami
SQ Shqip Albaniyano
SV Svenska السويدية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
KY Кыргызча Luqadda qer-qeesiya
NE नेपाली النيبالية
LT Lietuvių الليتوانية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
TG тоҷикӣ الطاجيكية
RW Kinyarwanda Luqadda kiniya ruwadiga
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
MOS Moore الموري
MG Malagasy Luqadda malgaashka
OM Oromoo Luqadda Oromaha
KN ಕನ್ನಡ Luqadda kinaadiga
WO Wolof الولوف
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية