1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang Pinaniniwalaan

Pagpapanibago O mga tao, tunay na si Allāh ay Kaaya-aya, na hindi tumatanggap kundi ng kaaya-aya. Tunay na si Allāh ay nag-utos sa mga mananampalataya ng iniutos Niya sa mga isinugo

عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«إنَّ اللَّهَ طَيِّبٌ لَا يَقْبَلُ إلَّا طَيِّبًا، وَإِنَّ اللَّهَ أَمَرَ المُؤْمِنِينَ بِمَا أَمَرَ بِهِ المُرْسَلِينَ، فَقَالَ تَعَالَى: {يَا أَيُّهَا الرُّسُلُ كُلُوا مِنْ الطَّيِّبَاتِ وَاعْمَلُوا صَالِحًا}، وَقَالَ تَعَالَى: {يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا كُلُوا مِنْ طَيِّبَاتِ مَا رَزَقْنَاكُمْ} ثُمَّ ذَكَرَ الرَّجُلَ، يُطِيلُ السَّفَرَ، أَشْعَثَ، أَغْبَرَ، يَمُدُّ يَدَيْهِ إلَى السَّمَاءِ: يَا رَبِّ! يَا رَبِّ! وَمَطْعَمُهُ حَرَامٌ، وَمَشْرَبُهُ حَرَامٌ، وَمَلْبَسُهُ حَرَامٌ، وَغُذِيَ بِالحَرَامِ، فَأَنَّى يُسْتَجَابُ لَذلك».

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Tunay na si Allāh ay Kaaya-aya, na hindi tumatanggap kundi ng kaaya-aya. Tunay na si Allāh ay nag-utos sa mga mananampalataya ng iniutos Niya sa mga isinugo sapagkat nagsabi Siya (napakataas Siya): {O mga sugo, kumain kayo mula sa mga kaaya-ayang bagay at gumawa kayo ng maayos. Tunay na Ako sa anumang ginagawa ninyo ay Maalam.} (Qur'ān 23:51) at nagsabi pa Siya (napakataas Siya): {O mga sumampalataya, kumain kayo mula sa mga kaaya-aya na itinustos sa inyo.} (Qur'ān 2:172) Pagkatapos binanggit niya ang lalaki – na nagpapahaba ng paglalakbay, na nagulo [ang buhok], na naalikabukan, na nag-uunat ng mga kamay niya papunta sa langit – [habang nananalangin]: "O Panginoon ko, O Panginoon ko," samantalang ang kinakain niya ay bawal, ang iniinom niya ay bawal, ang isinusuot niya ay bawal, na pinakakain sa bawal, kaya paanong tutugunin siya roon?"}

Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim Al-Arba`ūn An-Nawawīyah - 10

Ang pagpapaliwanag

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh ay Kaaya-aya, na Kabanal-banalan, na pinawalang-kaugnayan sa mga kakulangan at mga kapintasan, na nailalarawan sa mga kakumpletuhan, at hindi tumatanggap mula sa mga ginagawa, mga sinasabi, at mga paniniwala kundi ang naging kaaya-aya, ang wagas ukol kay Allāh, ang sumasang-ayon sa patnubay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Hindi nararapat na magpakalapit-loob kay Allāh kundi sa pamamagitan niyon. Kabilang sa pinakadakila na ipinantatamo ng kaayahan ng mga gawain para sa mananampalataya ang kaayahan ng kinakain niya, na ito ay maging mula sa ipinahihintulot sapagkat sa pamamagitan niyon bumubusilak ang gawa niya. Dahil dito, nag-utos si Allāh sa mga mananampalataya ng iniutos Niya sa mga isinugo na pagkain ng ipinahihintulot at paggawa ng mga maayos sapagkat nagsabi Siya (Qur'ān 23:51): {O mga sugo, kumain kayo mula sa mga kaaya-ayang bagay at gumawa kayo ng maayos. Tunay na Ako sa anumang ginagawa ninyo ay Maalam.} at nagsabi pa Siya (Qur'ān 2:172): {O mga sumampalataya, kumain kayo mula sa mga kaaya-aya na itinustos sa inyo.}
Pagkatapos nagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pagkain ng bawal na nakasisira sa gawa at pumipigil sa pagkatanggap nito gaano man nagkaloob ng mga panlabas na kadahilanan ng pagtanggap, na kabilang sa mga ito:
1. Ang pagpapahaba ng paglalakbay sa mga uri ng mga pagtalima gaya ng ḥajj, pakikibaka, pagpapanatili ng ugnayan sa kaanak, at iba pa roon.
2. Nagkagulu-gulo ang buhok dahil sa kawalan ng pagkasuklay nito, na nag-iba ang kulay niya at ang kulay ng kasuutan niya dahil sa alikabok, kaya siya ay nagigipit.
3. Nag-aangat siya ng mga kamay niya tungo sa langit sa panalangin.
4. Nagsusumamo kay Allāh sa pamamagitan ng mga pangalan Niya at nangungulit doon: "O Panginoon, O Panginoon!"
Sa kabila ng mga kadahilanang ito para sa pagsagot sa panalangin, hindi ito dininig para sa kanya. Iyon ay dahil ang kinakain niya, ang iniinom niya, at ang isinusuot niya ay bawal. Binuhay sa bawal, malayong tumugon sa sinumang ito ang katangian niya at papaanong tutugon sa kanya?

من فوائد الحديث

  1. Ang kakumpletuhan ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa sarili Niya, mga katangian Niya, mga gawain Niya, at mga kahatulan Niya.
  2. Ang pag-uutos ng pagpapawagas ng gawain kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) at pakikipagsunuran sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
  3. Ang paggamit ng anumang nagpapatibay-loob sa paggawa yayamang nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Allāh ay nag-utos sa mga mananampalataya ng iniutos Niya sa mga isinugo." Kaya kapag nakaalam ang mananampalataya na ito ay kabilang sa mga iniuutos sa mga isinugo, tunay na siya ay magpapakalakas at magpapakatibay-loob sa pagsunod.
  4. Kabilang sa mga tagapigil sa pagtugon sa panalangin ang pagkain ng bawal.
  5. Kabilang sa mga kadahilanan ng pagsagot sa panalangin ang limang bagay: 1. Ang pagpapahaba ng paglalakbay dahil sa dulot nito na pagkalumbay na kabilang sa pinakamabigat sa mga kadahilanan ng pagsagot. 2. Ang kalagayan ng kagipitan. 3. Ang pag-unat ng mga kamay patungo sa langit. 4. Ang pangungulit kay Allāh sa pamamagitan ng pag-uulit-ulit ng pagbanggit sa pagkapanginoon Niya, na kabilang sa pinakamabigat na ipinanghihiling sa pagsagot sa panalangin. 5. Ang pagpapabuti ng kinakain at iniinom.
  6. Ang pagkain ng ipinahihintulot na kaaya-aya ay kabilang sa mga kadahilanang nakatutulong sa maayos na gawain.
  7. Nagsabi si Al-Qāḍī: Ang kaaya-aya ay ang kasalungatan ng karima-rimarim. Kapag inilarawan ng ganito si Allāh, tinutukoy rito na Siya ay pinawalang-kinalaman sa mga kakulangan, na binanal palayo sa mga depekto. Kapag naman inilarawan ng ganito ang tao, walang-pasubaling tinutukoy rito na siya ay ang nagpakahubad sa mga buktot sa mga kaasalan at mga pangit sa mga gawa at ang nagpakagayak ng mga kasalungatan niyon. Kapag naman inilarawan ng ganito ang mga yaman, tinutukoy rito ang pagiging ito ay ipinahihintulot kabilang sa mabubuti sa mga yaman.

Paglalahad ng mga salin

57 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
FR Français Ang Wikang Pranses
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges
ML മലയാളം Malayalam
TE తెలుగు Telugu
SW Kiswahili Swahili
TA தமிழ் Tamil
TH ไทย Thailand
DE Deutsch Aleman
PS پښتو Pushto
AS অসমীয়া Asami
SQ Shqip Albaniyano
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
KY Кыргызча Luqadda qer-qeesiya
NE नेपाली النيبالية
LT Lietuvių الليتوانية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
TG тоҷикӣ الطاجيكية
RW Kinyarwanda Luqadda kiniya ruwadiga
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
CS Čeština التشيكية
MOS Moore الموري
MG Malagasy Luqadda malgaashka
OM Oromoo Luqadda Oromaha
KN ಕನ್ನಡ Luqadda kinaadiga
WO Wolof الولوف
AZ Azərbaycan Luqadda Asariga
UZ O‘zbek الأوزبكية
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
BM Bambara البامبارية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية
DA Dansk الدنماركية
RN Kirundi الكيروندي
KMR Kurmancî الكرمنجية
MS Bahasa Melayu الملايو