1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito

Pagpapanibago Talaga ngang nakita ko na ako ay ikapitong anak mula sa mga anak ni Muqarrin. Wala kaming utusan maliban sa isang babaeng sinampal ng pinakabata sa amin kaya inutusan kami ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na palayain ito.

عن أبي علي سويد بن مُقَرِّن رضي الله عنه قال: لقد رَأَيْتُنِي سابع سبعة من بني مُقَرِّن ما لنا خادم إلا واحدة لطمها أصغرنا فأمرنا رسول الله صلى الله عليه وسلم أن نعتقها وفي رواية: «سابع إخوة لي».

Ayon kay Abū `Alīy Suwayd bin Muqarrin, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Talaga ngang nakita ko na ako ay ikapitong anak mula sa mga anak ni Muqarrin. Wala kaming utusan maliban sa isang babaeng sinampal ng pinakabata sa amin kaya inutusan kami ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na palayain ito." Sa isang sanaysay: "ikapito sa mga kapatid ko"

Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim

Ang pagpapaliwanag

Nagpapabatid si Suwayd bin Muqarrin at nagsasabi: Ako noon ay isa sa pitong magkakapatid na mga anak ni Muqarrin. Lahat sila ay mga kasamahang lumikas. Walang isang nakahalo sa kanila sa kabuuan niyon. Hindi kami nagkaraoon ng nagsasagawa ng pagsisilbi sa aming pito maliban sa isang babaing alipin at sinampal pa iyon ng pinakabata sa amin. Kaya hiniling sa amin ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na palayain namin iyon mula sa pagkakaalipin upang ang pagpapalaya roon ay maging panakip-sala sa pananakit doon.

Paglalahad ng mga salin

14 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
FR Français Ang Wikang Pranses
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
HA Hausa Hausa