1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito

Pagpapanibago Ikaw na ang Imam nila,at pangalagaan mo [ang kapakanan] ng mahihina sa kanila,at magtalaga ka ng Mu`adhin na hindi kukuha sa pagtatawag niya ng Adhan ng kabayaran

عن عثمان بن أبي العاص رضي الله عنه قال: يا رسول الله، اجعلني إمام قومي، قال: «أنت إمامهم، وَاقْتَدِ بأضعفهم، وَاتَّخِذْ مُؤَذِّناً لا يأخذ على أذانه أجرا».

Ayon kay `Uthman bin Abe Al-`Ass-malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi: O Sugo ni Allah! Italaga mo akong imam sa aking mga tao, Nagsabi siyang: (( Ikaw na ang Imam nila,at pangalagaan mo [ang kapakanan] ng mahihina sa kanila,at magtalaga ka ng Mu`adhin na hindi kukuha sa pagtatawag niya ng Adhan ng kabayaran))

Tumpak Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad

Ang pagpapaliwanag

Ipinapahayag sa atin ng hadith na ito na ipinapahintulot sa sinumang nakikita niya sa sarili na karapat-dapat maging imam,na hilingin niya ito sa namumuno,at ito ay hindi paghiling sa katungkulan,dahil ang paghiling sa katungkulan ay ipinagbabawal, subalit nararapat sa kanya ang pangangalaga sa mga sumusunod sa likod niya na mahihina at matatanda.,at hindi siya magpapahirap sa kanila,At kainam-inam sa magiging tagatawag ng adhan yaong naghahangad ng gantimpala sa Allah,upang ang gawain niya ay maging malapit sa pagkadalisay [para sa Allah],At kapag walang natagpuang magkakawang-gawa,hindi hadlang na mabigyan ang imam ng biyaya [kabayaran] mula sa Baytul Mal

Paglalahad ng mga salin

14 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
FR Français Ang Wikang Pranses
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa