1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang Marangal na Qur'ān at ang mga Agham Nito

Pagpapanibago Bigkasin ninyo ang Qur'ān sapagkat tunay na ito ay darating sa Araw ng Pagbangon bilang mapagpamagitan sa mga tagatangkilik nito

عن أبي أمامة الباهلي رضي الله عنه قال: سمعتُ رسول الله صلى الله عليه وسلم يقول:
«اقرؤوا القرآنَ فإنَّه يأتي يوم القيامة شَفِيعًا لأصحابه، اقرؤوا الزَّهرَاوَين البقرةَ وسورةَ آل عِمران، فإنهما تأتِيان يوم القيامة كأنهما غَمَامَتان، أو كأنهما غَيَايَتانِ، أو كأنهما فِرْقانِ من طَيْر صَوافٍّ، تُحاجَّان عن أصحابهما، اقرؤوا سورة البقرة، فإن أخذها بَرَكة، وتركها حَسْرة، ولا تستطيعها البَطَلَة».

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay Abū Umāmah Al-Bāhilīy na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:
"Bigkasin ninyo ang Qur'ān sapagkat tunay na ito ay darating sa Araw ng Pagbangon bilang mapagpamagitan sa mga tagatangkilik nito. Bigkasin ninyo ang dalawang makinang: ang Kabanatang Al-Baqarah at ang Kabanatang Āl `Imrān sapagkat tunay na ang dalawang ito ay darating sa Araw ng Pagbangon na para bang ang dalawang ito ay dalawang ulap o para bang ang dalawang ito ay dalawang lilim o para bang ang dalawang ito ay dalawang kawan ng mga ibon na mga nakahanay na makikipangatwiran para sa mga tagatangkilik ng dalawang ito. Bigkasin ninyo ang Kabanatang Al-Baqarah sapagkat tunay na ang paghawak dito ay biyaya at ang pag-iwan dito ay isang panghihinayang. Hindi nakakakaya rito ang mga manggagaway."

Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim Ṣaḥīḥ Muslim - 804

Ang pagpapaliwanag

Humimok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagpapamalagi ng pagbigkas ng Qur'ān sapagkat tunay na ito ay mamamagitan sa Araw ng Pagbangon para sa mga tagabigkas nito, na gumagawa ayon dito. Pagkatapos nagbigay-diin siya sa pagbigkas ng Kabanatang Al-Baqarah at Kabanatang Āl `Imrān at tumawag sa dalawang ito bilang ang dalawang makinang na tagapagbigay-liwanag dahil sa liwanag ng dalawang ito at kapatnubayan ng dalawang ito. Ang pabuya at ang gantimpala sa pagbigkas sa dalawang ito, pagninilay-nilay sa mga kahulugan ng dalawang ito, at paggawa ayon sa nasaad sa dalawang ito ay darating sa Araw ng Pagbangon gaya ng dalawang ulap o iba pa sa dalawang ito o para bang ang dalawang ito ay dalawang pangkat ng mga ibon habang naglaladlad ng mga pakpak ng mga ito habang nagkakarugtong sa isa't isa sa mga ito, na naglilim sa tagatangkilik ng dalawang ito at nagtatanggol para rito. Pagkatapos nagbigay-diin siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagpapatuloy sa pagbigkas ng Kabanatang Al-Baqarah, pagnilay-nilay sa mga kahulugan nito, at paggawa ayon sa nasaad dito. Iyon ay may dulot na pagpapala at dakilang kapakinabangan sa Mundo at Kabilang-buhay. Ang pagwaksi niyon ay may dulot na panghihinayang at pagsisisi sa Araw ng Pagbangon. Kabilang sa kainaman ng Kabanatang ito ay na ang mga manggagaway ay hindi nakakakaya na maminsala sa sinumang bumibigkas nito.

من فوائد الحديث

  1. Ang pag-uutos ng pagbigkas ng Qur'ān at ang pagpaparami niyon, na ito ay mamamagitan sa mga tagatangkilik nito sa Araw ng Pagbangon, na mga tagabigkas nito, na mga kumakapit sa pagpatnubay nito, na mga tagapagsagawa sa utos nito, na mga tagaiwan sa sinaway nito.
  2. Ang kainaman ng pagbigkas ng Kabanatang Al-Baqarah at Kabanatang Āl `Imrān at ang kadakilaan ng pabuya ng dalawang ito.
  3. Ang kainaman ng pagbigkas ng Kabanatang Al-Baqarah at Kabanatang Āl `Imrān at na ito ay nangangalaga sa tagatangkilik nito laban sa pagkagaway.

Paglalahad ng mga salin

35 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges
ML മലയാളം Malayalam
TE తెలుగు Telugu
SW Kiswahili Swahili
MY မြန်မာ Burmese
TH ไทย Thailand
PS پښتو Pushto
AS অসমীয়া Asami
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
KN ಕನ್ನಡ Luqadda kinaadiga
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية