1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito

Pagpapanibago Tunay na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay pumasok sa Meccah mula sa Taas [ng Meccah] sa daan na [pagitan ng dalawang bundok] sa itaas kung saan ay matatagpuan sa Batha [malawak na lupain sa Meccah],at lumabas siya sa daan na [pagitan ng dalawang bundok] sa ibaba

عن عبد الله بن عمر رضي الله عنهما «أنَّ رسُول الله -صلَّى الله عليه وسلَّم- دَخَل مكَّة مِن كَدَاٍء، مِن الثَنِيَّة العُليَا التِّي بالبَطحَاءِ، وخرج من الثَنِيَّة السُفلَى».

Ayon kay `Abdullah bin `Umar-malugod si Allah sa kanilang dalawa- (( Tunay na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay pumasok sa Meccah mula sa Taas [ng Meccah] sa daan na [pagitan ng dalawang bundok] sa itaas kung saan ay matatagpuan sa Batha [malawak na lupain sa Meccah],at lumabas siya sa daan na [pagitan ng dalawang bundok] sa ibaba.))

Tumpak Napagkaisahan ang katumpakan

Ang pagpapaliwanag

Nagsagawa ng Hajj ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ng Hajj ng Pamamaalam. Nagpalipas siya ng magdamag sa gabi ng pagpasok niya sa Dhi Tuwa sa ikaapat ng Dhulhijjah. Kinaumagahan, pumasok siya sa Makkah mula sa Thaniyah `Ulya' dahil ito higit na madali para pagpasok niya dahil siya ay dumating mula sa Madinah. Noong natapos siya sa mga pagsamba niya, lumabas siya ng Makkah patungong Madinah mula sa pinakamababang bahagi ng Makkah. Ito ay ang daang humahantong sa Jarul. Marahil sa pagsalungat sa dalawang daan ay may pagpaparami ng mga pook ng pagsamba, gaya ng ginawa niya,-pagpalain siya ni Allah at pangalagaaan-, sa pagpunta sa `Arafah at pagbalik mula roon, at para sa salah sa eid at salah na sunnah sa hindi lugar ng salah na isinatungkulin, upang sumakasi ang lupa sa gawain niya sa ibabaw nito sa Araw na magsasalaysay ito ng mga balita nito o dahil sa ang pasukan nito at ang labasan nito ay mga naaangkop para sinumang dumating mula sa Madinah at pumunta roon. Si Allah ay higit na nakakaalam.

Paglalahad ng mga salin

17 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
FR Français Ang Wikang Pranses
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges
ML മലയാളം Malayalam