1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang Talambuhay at ang Kasaysayan

Pagpapanibago Nagsabi ang isang lalaki sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa Araw ng Uḥud: "Sabihin mo, kung mamatay ako ay saan ako?" Nagsabi siya: "Sa Paraiso." Itinapon niya ang mga datiles na nasa kamay niya. Pagkatapos ay nakipaglaban siya hanggang sa mapatay siya.

عن جابر بن عبد الله رضي الله عنهما قال رجل للنبي صلى الله عليه وسلم يومَ أُحُدٍ: أَرَأَيْتَ إن قُتِلْتُ فَأَيْنَ أَنَا؟ قال: «في الجَنَّةِ» فأَلْقَى تَمراتٍ كُنَّ في يَدِه، ثم قاتل حتى قُتِلَ.

Ayon kay Jābir bin Abdullāh, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, na nagsabi: Nagsabi ang isang lalaki sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa Araw ng Uḥud: "Sabihin mo, kung mamatay ako ay saan ako?" Nagsabi siya: "Sa Paraiso." Itinapon niya ang mga datiles na nasa kamay niya. Pagkatapos ay nakipaglaban siya hanggang sa mapatay siya.

Tumpak Napagkaisahan ang katumpakan

Ang pagpapaliwanag

Ipinabatid ni Jābir bin Abdullāh, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, na may isang lalaking ang pangalan ay `Umayr bin Al-Ḥammām na nagsabi sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa Araw ng Pagsalakay sa Uḥud: "O Sugo ni Allāh, sabihin mo, kung nakipaglaban ako hanggang mamatay ako - nangangahulugang: nakibaka ako laban sa mga Mushrik - at napatay ako sa pangyayaring ito, ano ang hantungan ko?" Nagsabi siya: "Ikaw ay nasa Paraiso." Kaya itinapon niya ang mga datiles na dala niya at nagsabi: "Tunay na ito ay talagang mahabang buhay kung mananatili ako upang kainin ang mga datiles na ito." Pagkatapos ay sumulong siya at nakipaglaban hanggang sa mapatay siya. Malugod si Allāh sa kanya.

Paglalahad ng mga salin

15 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
UG ئۇيغۇرچە Uyghur
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
FR Français Ang Wikang Pranses
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa