1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang Pinaniniwalaan

Pagpapanibago Ang panalangin ng taong Muslim para sa kapatid niya nang palingid ay tinutugon

عَن أُمِّ الدَّرْدَاءِ وَ أَبِي الدَّرداءِ رَضيَ اللهُ عنهما أَنَّ النَّبِيَّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ كَانَ يَقُولُ:
«دَعْوَةُ الْمَرْءِ الْمُسْلِمِ لِأَخِيهِ بِظَهْرِ الْغَيْبِ مُسْتَجَابَةٌ، عِنْدَ رَأْسِهِ مَلَكٌ مُوَكَّلٌ كُلَّمَا دَعَا لِأَخِيهِ بِخَيْرٍ، قَالَ الْمَلَكُ الْمُوَكَّلُ بِهِ: آمِينَ وَلَكَ بِمِثْلٍ».

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kina Ummu Ad-Dardā' Abū Ad-Dardā' (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi:
"Ang panalangin ng taong Muslim para sa kapatid niya nang palingid ay tinutugon. Sa tabi ng ulo niya ay may isang anghel na itinalaga, na sa tuwing dumalangin siya para sa kapatid niya ng mabuti ay nagsasabi ang anghel na itinalaga sa kanya ng: Amen, at ukol sa iyo ay tulad niyon."}

Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim Ṣaḥīḥ Muslim - 2733

Ang pagpapaliwanag

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang panalangin ng Muslim para sa kapatid niyang Muslim sa sandali ng pagkaliban ng dinadalanginan ay tinutugon dahil ito ay higit na malalim sa pagpapakawagas, at na sa tabi ng ulo ng tagapanalangin ay may isang anghel na itinalaga, na sa tuwing dumadalangin siya para sa kapatid niya ng isang kabutihan, nagsasabi ang anghel na itinalaga sa kanya ng: "Amen, at ukol sa iyo ay tulad ng ipinanalangin mo."

من فوائد الحديث

  1. Ang paghimok sa paggawa ng mga mananampalataya ng mabuti sa isa't isa sa kanila, kahit pa man sa panalangin.
  2. Ang panalangin nang palingid ay nagpapatunay ng isang maliwanag na katunayan sa katapatan ng pananampalataya at kapatiran.
  3. Ang paglilimita ng pagdalangin nang palingid ay dahil iyon ay higit na malalim sa pagpapakawagas at pagdalo ng puso.
  4. Kabilang sa mga kadahilanan ng pagsagot [sa panalangin] na manalangin ang Muslim para sa kapatid niya habang nakalingid.
  5. Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Ang kainaman ng pagdalangin para sa kapatid niyang Muslim nang palingid. Kung sakaling dumalangin siya para sa isang grupo ng mga Muslim, matatamo ang kalamangang ito. Kung sakaling dumalangin siya para sa kabuuan ng mga Muslim, ang hayag ay ang pagkatamo nitong [kalamangan] din. Ang ilan sa Kanunu-nuan, kapag nagnais siya na manalangin para sa sarili niya, ay nananalangin para sa kapatid niyang Muslim ng panalanging iyon dahil iyon ay tinutugon at natatamo para sa kanya ang tulad niyon.
  6. Ang paglilinaw sa ilan sa mga gawain ng mga anghel at na mayroon sa kanila na itinalaga ni Allāh para sa gawaing ito.

Paglalahad ng mga salin

37 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges
ML മലയാളം Malayalam
TE తెలుగు Telugu
SW Kiswahili Swahili
TA தமிழ் Tamil
MY မြန်မာ Burmese
TH ไทย Thailand
PS پښتو Pushto
AS অসমীয়া Asami
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
KN ಕನ್ನಡ Luqadda kinaadiga
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية