1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang Pinaniniwalaan

Pagpapanibago Ang sinumang dumanas ng kasalatan at idinulog ito sa mga tao, hindi ito makatutugon sa karukhaan niya. Ang sinumang magdulog nito kay Allah, magpapadala agad si Allah sa kanya ng panustos na maaga o huli.

عن ابن مسعود رضي الله عنه قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «من أصابته فَاقَة فأنْزَلها بالناس لم تُسَدَّ فَاقَتُهُ، ومن أنْزَلها بالله، فَيُوشِكُ الله له بِرزق عاجل أو آجل».

Ayon kay Ibnu Mas`ūd, malugod si Allah sa kanya: "Ang sinumang dumanas ng kasalatan at idinulog ito sa mga tao, hindi ito makatutugon sa karukhaan niya. Ang sinumang magdulog nito kay Allah, magpapadala agad si Allah sa kanya ng panustos na maaga o huli."

Tumpak Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad

Ang pagpapaliwanag

Ipinabatid ni Ibnu Mas`ūd na ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagsabi ng sumusunod. Ang "Ang sinumang dumanas ng kasalatan" ay tumutukoy sa matinding pangangailangan. Ang madalas na pinaggagamitan nito ay ang karalitaan at kahikahusan ng buhay. Ang "at idinulog ito sa mga tao," ay tumutukoy sa paglalahad nito sa mga tao, pagpapahayag nito sa pamamagitan ng pagdaing sa mga iyon, at paghiling na alisin ang kasalatan sa kanila. Kaya ang resulta ay "hindi ito makatutugon sa karukhaan niya," na nangangahulugang hindi malulunasan ang pangangailan niya at mananatili ang kasalatan niya. Kapag natugunan ang pangngailangan niya daranas siya ng isa pang higit na matindi kaysa sa nauna. Tungkol naman sa "Ang sinumang magdulog nito kay Allah," ito sa pamamagitan ng pagsalig sa Panginoon niya. Ang "magpapadala agad si Allah sa kanya" ay nangangahulugang pabibilisin at aagad-agadin sa kanya ang ghinā’ (غناء), nangangahulugang ang kasapatan. Isang kopya ay nasaad ang ghinā (غنى). Nagsabi ang mga tagapagaliwanag ng aklat Al-Maṣābīḥ: Ang sanaysay na bumanggit ng ghinā (غنى) ayon sa kahulugang kaginhawahan ay paglilihis ng kahulugan dahil siya nagsabi: Dadapuan siya ng kasapatan sa kung ano ang mayroon siya, maaaring dahil sa isang "maagang pagkamatay" na sinabing tumutukoy sa pagkamatay ng isang kaanak niya na mayaman at magmamana siya roon. Marahil ang ḥadīth ay hinango mula sa sabi ni Allah: ".Ang sinumang nangingilag magkasala kay Allah, gagawa Siya para sa kanya ng isang malalabasan sa kagipitan, at tutustusan Niya ito mula sa hindi niya inaasahan. Ang sinumang nananalig kay Allah, Siya ay sapat na sa kanya." (Qur'an 65:2-3) Ang ghinā (غنى) ay nangangahulugang kaginhawahan. Ang [panustos na] huli ay sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng yaman at paggawa sa kanya na maging mayaman.

Paglalahad ng mga salin

17 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
FR Français Ang Wikang Pranses
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
PT Português Portuges
SW Kiswahili Swahili