1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang Pinaniniwalaan

Pagpapanibago Ang Muslim, kapag tinanong siya sa libingan, ay sasaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh

عَنِ البَرَاءِ بْنِ عَازِبٍ رضي الله عنه أَنَّ رَسُولَ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«المُسْلِمُ إِذَا سُئِلَ فِي القَبْرِ: يَشْهَدُ أَنْ لاَ إِلَهَ إِلَّا اللَّهُ وَأَنَّ مُحَمَّدًا رَسُولُ اللَّهِ»، فَذَلِكَ قَوْلُهُ: {يُثَبِّتُ اللَّهُ الَّذِينَ آمَنُوا بِالقَوْلِ الثَّابِتِ فِي الحَيَاةِ الدُّنْيَا وَفِي الآخِرَةِ} [إبراهيم: 27].

Ayon kay Al-Barrā' bin `Āzib (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Ang Muslim, kapag tinanong siya sa libingan, ay sasaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh sapagkat iyon ay sabi Niya: {Nagpapatatag si Allāh sa mga sumampalataya sa pamamagitan ng sinabing matatag sa buhay na pangmundo at sa Kabilang-buhay. Nagliligaw si Allāh sa mga tagalabag sa katarungan. Gumagawa si Allāh ng anumang niloloob Niya.} (Qur'ān 14:27)"}

Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy - 4699

Ang pagpapaliwanag

Tatanungin ang mananampalataya sa libingan sapagkat magtatanong sa kanya ang dalawang anghel na itinalaga roon. Silang dalawa ay sina Munkar at Nakīr, gaya ng pagkakasaad sa pagpapangalan sa kanilang dalawa sa isang bilang ng mga ḥadīth. Sasaksi siya na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ito ay ang sinabing matatag, na nagsabi si Allāh kaugnay rito: {Nagpapatatag si Allāh sa mga sumampalataya sa pamamagitan ng sinabing matatag sa buhay na pangmundo at sa Kabilang-buhay. Nagliligaw si Allāh sa mga tagalabag sa katarungan. Gumagawa si Allāh ng anumang niloloob Niya.} (Qur'ān 14:27)

من فوائد الحديث

  1. Ang pagtatanong sa libingan ay totoo.
  2. Ang kabutihang-loob ni Allāh sa mga mananampalatayang lingkod Niya sa Mundo at Kabilang-buhay ay dahil sa pagpapatatag sa kanila sa sinasabing matatag.
  3. Ang kainaman ng pagsaksi sa Tawḥīd at ang pagkamatay rito.
  4. Ang pagpapatatag ni Allāh sa mananampalataya sa Mundo ay sa pamamagitan ng katatagan sa pananampalataya, sa pagtahak sa landasing tuwid, sa sandali ng pagkamatay dahil sa pagkamatay sa Tawḥīd, at sa libingan sa sandali ng pagtatanong ng dalawang anghel.

Paglalahad ng mga salin

56 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges
ML മലയാളം Malayalam
TE తెలుగు Telugu
SW Kiswahili Swahili
TA தமிழ் Tamil
MY မြန်မာ Burmese
TH ไทย Thailand
DE Deutsch Aleman
PS پښتو Pushto
AS অসমীয়া Asami
SQ Shqip Albaniyano
SV Svenska السويدية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
KY Кыргызча Luqadda qer-qeesiya
NE नेपाली النيبالية
YO Yorùbá Luqadda yuruuba
LT Lietuvių الليتوانية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
SO Soomaali الصومالية
TG тоҷикӣ الطاجيكية
RW Kinyarwanda Luqadda kiniya ruwadiga
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
CS Čeština التشيكية
MOS Moore الموري
MG Malagasy Luqadda malgaashka
OM Oromoo Luqadda Oromaha
KN ಕನ್ನಡ Luqadda kinaadiga
WO Wolof الولوف
AZ Azərbaycan Luqadda Asariga
UZ O‘zbek الأوزبكية
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية
KMR Kurmancî الكرمنجية