1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang Talambuhay at ang Kasaysayan

Pagpapanibago ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay dinalhan ng gatas na hinaluan na ng tubig, habang sa gawing kanan niya ay may isang Arabeng disyerto at sa gawing kaliwa niya ay si Abū Bakr, malugod si Allāh sa kanya, at uminom siya. Pagkatapos ay ibinigay niya sa Arabeng disyerto. Nagsabi siya: "Ang kanan, kasunod ang kanan."

عن أنس بن مالك رضي الله عنه أَنَّ رسولَ اللهِ صلى الله عليه وسلم أُتِيَ بِلَبَنٍ قد شِيبَ بماءٍ، وعن يمينهِ أَعْرَابِيٌّ، وعن يَسَارِه أبو بكرٍ رضي الله عنه فَشَرِبَ، ثم أَعْطَى الأَعْرَابِيَّ، وقال: «الأَيْمَنَ فَالأَيْمَنَ».

Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya, ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay dinalhan ng gatas na hinaluan na ng tubig, habang sa gawing kanan niya ay may isang Arabeng disyerto at sa gawing kaliwa niya ay si Abū Bakr, malugod si Allāh sa kanya, at uminom siya. Pagkatapos ay ibinigay niya sa Arabeng disyerto. Nagsabi siya: "Ang kanan, kasunod ang kanan."

Tumpak Napagkaisahan ang katumpakan

Ang pagpapaliwanag

Dinalhan ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng gatas na hinaluan na ng tubig, habang sa gawing kanan niya ay may isang lalaking kabilang sa mga Arabeng disyerto at sa gawing kaliwa niya ay si Abū Bakr, malugod si Allāh sa kanya. Uminom ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Pagkatapos ay ibinigay niya sa Arabeng disyerto at kinuha naman nito ang sisidlan at uminom, gayong si Abū Bakr ay higit na mainam kaysa sa Arabeng disyerto subalit itinangi ito ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, dahil ito ay nasa gawaing kanan niya. Nagsabi siya: "Ang kanan, kasunod ang kanan." Nangangahulugan ito: "Unahin ninyo at ibigay ninyo sa kanan, pagkatapos ay sa kanan."

Paglalahad ng mga salin

14 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
UG ئۇيغۇرچە Uyghur
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
FR Français Ang Wikang Pranses
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
KU Kurdî Kurdish