1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan

Pagpapanibago Nakita ko ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na kumakain sa pamamagitan ng tatlong daliri; at kapag natapos siya, dinidilaan niya ang mga ito.

عن كعب بن مالك رضي الله عنه قال: رأيتُ رسولَ اللهِ صلى الله عليه وسلم يأكلُ بثلاثِ أَصَابِعَ، فإذا فَرَغَ لَعِقَهَا.

Ayon kay Ka`b bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: "Nakita ko ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na kumakain sa pamamagitan ng tatlong daliri; at kapag natapos siya, dinidilaan niya ang mga ito."

Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim

Ang pagpapaliwanag

Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay kumakain noon sa pamamagitan ng tatlong daliri: ang hinlalato, ang hintuturo, at ang hinlalaki. Ito ay nagpapatunay sa kawalan ng katakawan at kasibaan sa pagkain. Kapag natapos siya sa pagkain niya, dinidilaan niya ang mga daliri niya. Kaya ang itinuturing na kaibig-ibig ay na ang pagkain ay sa pamamagitan ng tatlong daliri malibang kapag ang pagkain ay hindi maaaring hawakan ng tatlong daliri kaya naman sa pamamagitan ng anumang madali.

Paglalahad ng mga salin

14 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
UG ئۇيغۇرچە Uyghur
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
FR Français Ang Wikang Pranses
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
KU Kurdî Kurdish