1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito

Pagpapanibago Ang ipinagbawal ko sa inyo ay iwasan ninyo at ang ipinag-utos ko sa inyo ay gampanan ninyo mula rito ang makakaya ninyo sapagkat napahamak lamang ang mga nauna sa inyo dahil sa dami ng mga tanong nila at pagsalungat nila sa mga propeta nila.

عن أبي هريرة رضي الله عنه قال: سمعت رسول الله صلى الله عليه وسلم يقول: «ما نهيتكم عنه فاجتنبوه، وما أمرتكم به فأْتُوا منه ما استطعتم، فإنما أَهلَكَ الذين من قبلكم كثرةُ مسائلهم واختلافهم على أنبيائهم».

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Ang ipinagbawal ko sa inyo ay iwasan ninyo at ang ipinag-utos ko sa inyo ay gampanan ninyo mula rito ang makakaya ninyo sapagkat napahamak lamang ang mga nauna sa inyo dahil sa dami ng mga tanong nila at pagsalungat nila sa mga propeta nila."

Tumpak Napagkaisahan ang katumpakan

Ang pagpapaliwanag

Ginabayan tayo ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na kapag nagbawal siya sa atin ng isang bagay ay kailangan sa atin ang pag-iwas niyon nang walang pasubali at kapag nag-utos siya sa atin ng isang bagay ay tungkulin nating gawin mula rito ang makakaya natin. Pagkatapos ay nagbabala siya atin upang hindi tayo maging gaya ng ilan sa mga kalipunang nauna noong dinalasan nila ang mga pagtatanong sa mga propeta nila kalakip ng pagsalungat nila sa mga iyon kaya naman pinarusahan sila ni Allah sa pamamagitan ng sari-saring kapahamakan at pagkawasak. Kaya nararapat na hindi tayo maging tulad nila upang hindi tayo mapahamak gaya ng pagkapahamak nila.

Paglalahad ng mga salin

28 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
UG ئۇيغۇرچە Uyghur
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
FR Français Ang Wikang Pranses
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges
ML മലയാളം Malayalam
TE తెలుగు Telugu
SW Kiswahili Swahili
TA தமிழ் Tamil
MY မြန်မာ Burmese
DE Deutsch Aleman
JA 日本語 Hapon
PS پښتو Pushto
AS অসমীয়া Asami
SQ Shqip Albaniyano