1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito

Pagpapanibago Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kapag nakaalpas sa kanya ang dasal sa gabi dahil sa sakit o iba pa rito, nagdarasal siya sa maghapon ng labindalawang rak`ah.

عن عائشة رضي الله عنها قالت: كان رسولُ اللهِ صلى الله عليه وسلم إذا فَاتَتْهُ الصَّلَاةُ مِنَ الليلِ مِن وَجَعٍ أَوْ غَيْرِهِ، صَلَّى من النَّهَارِ ثِنْتَيْ عَشْرَةَ رَكْعَةً.

Ayon kay `Ā'ishah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: "Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kapag nakaalpas sa kanya ang dasal sa gabi dahil sa sakit o iba pa rito, nagdarasal siya sa maghapon ng labindalawang rak`ah."

Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim

Ang pagpapaliwanag

Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kapag hindi nakapagsagawa ng dasal sa gabi dahil sa isang sakit o iba pa rito, ay nagdarasal sa araw ng labindalawang rak`ah dahil siya noon, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagdarasal ng witr na labing-isang rak`ah. Kapag lumipas ang gabi at hindi siya nakapagdasal ng witr dahil sa pagkatulog o kahawig nito, binabayaran niya ang dasal na ito; subalit kapag nakaalpas ang oras ng witr, ang itinatagubilin ay gawin niya ito bilang isang dasal na tukol.

Paglalahad ng mga salin

16 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
FR Français Ang Wikang Pranses
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges