1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito

Pagpapanibago ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay [matagal] nagdarasal noon sa gabi hanggang sa nagkabitak-bitak ang mga paa niya kaya nagsabi ako sa kanya: "Bakit mo ginagawa ito, o Sugo ni Allah, gayong nagpatawad na si Allah sa iyo sa nauna sa pagkakasala mo at nahuli?" Nagsabi siya: "Kaya hindi ko ba iibiging ako ay maging isang lingkod na mapagpasalamat?"

عن عائشة رضي الله عنها والمغيرة بن شعبة رضي الله عنه : أن النبي صلى الله عليه وسلم كان يقوم من الليل حتى تَتَفَطَّرَ قَدَمَاهُ فقلت له: لم تَصْنَعُ هذا يا رسول الله، وقد غفر اللهُ لك ما تقدم من ذنبك وما تأخر؟ قال: «أَفَلَا أحب أن أكونَ عبدا شَكُورًا».

Ayon kina `Ā'ishah, malugod si Allāh sa kanya, at Al-Mughīrah bin Shu`bah, malugod si Allāh sa kanya, ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay [matagal] nagdarasal noon sa gabi hanggang sa nagkabitak-bitak ang mga paa niya kaya nagsabi ako sa kanya: "Bakit mo ginagawa ito, o Sugo ni Allah, gayong nagpatawad na si Allah sa iyo sa nauna sa pagkakasala mo at nahuli?" Nagsabi siya: "Kaya hindi ko ba iibiging ako ay maging isang lingkod na mapagpasalamat?"

Tumpak Napagkaisahan ang katumpakan

Ang pagpapaliwanag

Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagdarasal noon ng [mahabang] tahajjud sa gabi hanggang sa nagkabitak-bitak ang mga paa niya kaya nagsabi sa kanya si `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya, sa pag-aakalang sumasamba lamang siya kay Allah dahil sa pangamba sa pagkakasala at paghingi ng kapatawaran at awa gayong naisakatuparan na para sa kanya ang pagpapatawad ni Allah, pagkataas-taas Niya, kaya naman hindi na siya nangangailangan niyon: "Bakit mo ginagawa ito, o Sugo ni Allah, gayong nagpatawad na sa iyo si Allah sa nauna sa pagkakasala mo at nahuli?" Nagsabi siya rito: "Kaya hindi pa ba ako magiging isang lingkod na mapagpasalamat sapagkat ang pagsambang ito, ang dahilan nito ay ang pagpapasalamat sa kapatawaran."

Paglalahad ng mga salin

14 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
UG ئۇيغۇرچە Uyghur
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
FR Français Ang Wikang Pranses
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
KU Kurdî Kurdish