1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan

Pagpapanibago {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi noon sa sandali ng pighati: "Lā ilāha illā -llāhu -l`aḍ̆īmu -lḥalīm. Lā ilāha illā -llāhu rabbu -l`arshi -l`aḍ̆īm. Lā ilāha illā -llāhu rabbu -ssamawāti wa-rabbu -l'arḍi wa-rabbu -l`arshi -lkarīm. (Walang Diyos kundi si Allāh, ang Sukdulan, ang Matimpiin. Walang Diyos kundi si Allāh, ang Panginoon ng tronong sukdulan. Walang Diyos kundi si Allāh, ang Panginoon ng mga langit at ang Panginoon ng lupa at ang Panginoon ng tronong marangal.)"}

عَنِ ابْنِ عَبَّاسٍ رضي الله عنهما:
أَنَّ نَبِيَّ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ كَانَ يَقُولُ عِنْدَ الْكَرْبِ: «لَا إِلَهَ إِلَّا اللهُ الْعَظِيمُ الْحَلِيمُ، لَا إِلَهَ إِلَّا اللهُ رَبُّ الْعَرْشِ الْعَظِيمِ، لَا إِلَهَ إِلَّا اللهُ رَبُّ السَّمَاوَاتِ وَرَبُّ الْأَرْضِ وَرَبُّ الْعَرْشِ الْكَرِيمِ».

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa):
{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi noon sa sandali ng pighati: "Lā ilāha illā -llāhu -l`aḍ̆īmu -lḥalīm. Lā ilāha illā -llāhu rabbu -l`arshi -l`aḍ̆īm. Lā ilāha illā -llāhu rabbu -ssamawāti wa-rabbu -l'arḍi wa-rabbu -l`arshi -lkarīm. (Walang Diyos kundi si Allāh, ang Sukdulan, ang Matimpiin. Walang Diyos kundi si Allāh, ang Panginoon ng tronong sukdulan. Walang Diyos kundi si Allāh, ang Panginoon ng mga langit at ang Panginoon ng lupa at ang Panginoon ng tronong marangal.)"}

Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito Ṣaḥīḥ Muslim - 2730

Ang pagpapaliwanag

Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi sa sandali ng pagtindi ng pighati at kapanglawan sa kanya: "Lā ilāha illā -llāhu (Walang Diyos kundi si Allāh)" Walang sinasamba ayon sa karapatan kundi si Allāh. "[a]lḥalīm, (ang Sukdulan,)" sa kalagayan, ang Kapita-pitagan sa kahalagahan sa sarili Niya, mga katangian Niya, at mga gawain Niya. "[a]lḥalīm. (ang Matimpiin.)" na hindi nagmamadali sa tagasuway sa kaparusahan, bagkus nagpapaliban nito at maaaring magpaumanhin dito sa kabila ng kakayahan sa pagpaparusa sapagkat Siya ang Nakakakaya (kaluwalhatian sa Kanya) sa bawat bagay. "Lā ilāha illā -llāhu rabbu -l`arshi -l`aḍ̆īm. (Walang Diyos kundi si Allāh, ang Panginoon ng tronong sukdulan.)" ang Tagalikha ng tronong dakila. "Lā ilāha illā -llāhu rabbu -ssamawāti wa-rabbu -l'arḍi (Walang Diyos kundi si Allāh, ang Panginoon ng mga langit at ang Panginoon ng lupa")" ang Tagalikha ng mga langit at lupa, ang Tagalikha ng bawat bagay sa mga ito, ang Tagapagmay-ari nito, ang Tagapagsaayos nito, at ang Tagapatnugot dito kung papaanong niloob Niya. "rabbu -l`arshi -lkarīm. (ang Panginoon ng tronong marangal.)" ang Tagalikha ng tronong marangal.

من فوائد الحديث

  1. Ang pagkakinakailangan ng pagpapakandili kay Allāh sa pamamagitan ng pagdalangin sa sandali ng pagbaba ng mga kasawiang-palad at mga pighati.
  2. Ang pagsasakaibig-ibig ng pagdalangin sa pamamagitan ng panalanging ito sa sandali ng pighati.
  3. Ang trono ng Raḥmān (Napakamaawain) na lumuklok Siya roon ay ang pinakamataas sa mga nilikha, ang pinakamalaki sa mga ito, at ang pinakadakila sa mga ito. Naglarawan nga rito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ito ay sukdulan at ito ay marangal.
  4. Itinangi ang mga langit at ang lupa sa pagkabanggit dahil ang mga ito ay pinakadakila sa mga nilikhang nasasaksihan.
  5. Nagsabi si Aṭ-Ṭaybīy: Nag-umpisa siya sa pagbubunying ito sa pagbanggit ng Panginoon upang bumagay sa pagpawi ng pighati dahil ito ay hinihiling ng pag-aalaga. Nasaad dito ang tahlīl na naglalaman ng Tawḥīd, na pinag-ugatan ng mga pagpapawalang-kapintasang pampitagan, kadakilaang nagpapahiwatig sa kalubusan ng kakayahan, at pagtitimping nagpapahiwatig sa kaalaman yayamang ang mangmang ay hindi mapag-iisipan ng pagtitimpi ni karangalan, na pinag-ugatan ng mga paglalarawang pampagpaparangal.

Paglalahad ng mga salin

45 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges
ML മലയാളം Malayalam
TE తెలుగు Telugu
SW Kiswahili Swahili
TA தமிழ் Tamil
MY မြန်မာ Burmese
TH ไทย Thailand
DE Deutsch Aleman
PS پښتو Pushto
AS অসমীয়া Asami
SQ Shqip Albaniyano
SV Svenska السويدية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
NE नेपाली النيبالية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
MOS Moore الموري
MG Malagasy Luqadda malgaashka
KN ಕನ್ನಡ Luqadda kinaadiga
WO Wolof الولوف
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية