1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan

Pagpapanibago Ang pang-aalipusta sa Muslim ay kasuwailan at ang pakikipaglaban sa kanya ay kawalang-pananampalataya."}

عَنْ عَبْدِ اللَّهِ بنِ مَسْعُودٍ رضي الله عنه أَنَّ النَّبِيَّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«سِبَابُ المُسْلِمِ فُسُوقٌ، وَقِتَالُهُ كُفْرٌ».

Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Ang pang-aalipusta sa Muslim ay kasuwailan at ang pakikipaglaban sa kanya ay kawalang-pananampalataya."}

Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy - 48

Ang pagpapaliwanag

Sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Muslim na manghamak at mag-alipusta sa kapwa nito Muslim, na iyon ay bahagi ng kasuwailan, ang paglabas sa pagtalima kay Allāh at sa Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan), at na ang pakikipaglaban ng Muslim sa kapwa nito Muslim ay kabilang sa mga gawaing pangkawalang-pananampalataya subalit ito ay isang maliit na kawalang-pananampalataya.

من فوائد الحديث

  1. Ang pagkakinakailangan ng paggalang sa dangal ng Muslim at buhay niya.
  2. Ang bigat ng kauuwian ng tagapag-alipusta ng Muslim nang walang karapatan sapagkat ang tagapag-alipusta nang walang karapatan ay isang suwail.
  3. Ang pag-alipusta sa Muslim at pakikipaglaban sa kanya ay nagpapahina sa pananampalataya at bumabawas nito.
  4. Ang ilan sa mga gawain ay tinatawag bilang kawalang-pananampalataya, kahit pa hindi umabot sa malaking kawalang-pananampalataya na nagpapalabas sa kapaniwalaan ng Islām.
  5. Ang tinutukoy ng kawalang-pananampalataya rito ay ang maliit na kawalang-pananampalataya, na hindi nagpapalabas mula sa kapaniwalaan ayon sa pagkakasang-ayon ng mga Alagad ng Sunnah dahil si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay nagpatibay sa kapatiran sa pananampalataya ng mga mananampalataya sa sandali ng pag-aaway-away nila at hidwaan nila sapagkat nagsabi Siya (Qur’ān 49:9-10): {Kung may dalawang pangkat kabilang sa mga mananampalataya na nag-away-away ay magpayapa kayo sa pagitan ng dalawa; ngunit kung lumabag ang isa sa dalawa sa iba ay kalabanin ninyo ang lumabag hanggang sa bumalik ito sa kautusan ni Allāh. Kaya kung bumalik ito, magpayapa kayo sa pagitan ng dalawa ayon sa katarungan at magpakamakatarungan kayo; tunay na si Allāh ay umiibig sa mga nagpapakamakatarungan.} Hanggang sa sinabi Niya: {Ang mga mananampalataya ay magkakapatid lamang,}

Paglalahad ng mga salin

50 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges
ML മലയാളം Malayalam
TE తెలుగు Telugu
SW Kiswahili Swahili
TA தமிழ் Tamil
MY မြန်မာ Burmese
TH ไทย Thailand
DE Deutsch Aleman
PS پښتو Pushto
AS অসমীয়া Asami
SQ Shqip Albaniyano
SV Svenska السويدية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
KY Кыргызча Luqadda qer-qeesiya
NE नेपाली النيبالية
LT Lietuvių الليتوانية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
TG тоҷикӣ الطاجيكية
RW Kinyarwanda Luqadda kiniya ruwadiga
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
MOS Moore الموري
MG Malagasy Luqadda malgaashka
OM Oromoo Luqadda Oromaha
KN ಕನ್ನಡ Luqadda kinaadiga
WO Wolof الولوف
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية