1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito

Pagpapanibago Hayaan ninyo siya at magbuhos kayo sa ihi niya ng isang maliit na timba ng tubig o malaking timba ng tubig sapagkat ipinadala lamang kayo bilang mga nagpapadali at hindi kayo ipinadala bilang mga nagpapahirap.

عن أبي هريرة رضي الله عنه قال: بال أعرابي في المسجد، فقام الناس إليه لِيَقَعُوا فيه، فقال النبي صلى الله عليه وسلم : «دعوه وأريقوا على بوله سَجْلاً من ماء، أو ذَنُوبًا من ماء، فإنما بُعِثْتُمْ مُيَسِّرِينَ، ولم تُبْعَثُوا مُعَسِّرِينَ».

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: " Umiihi ang isang Arabeng disyerto sa masjid kaya tumayo ang mga tao papunta sa kanya upang sagupain siya kaya nagsabi naman ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: 'Hayaan ninyo siya at magbuhos kayo sa ihi niya ng isang maliit na timba ng tubig o malaking timba ng tubig sapagkat ipinadala lamang kayo bilang mga nagpapadali at hindi kayo ipinadala bilang mga nagpapahirap.'"

Tumpak Napagkaisahan ang katumpakan. Ang pananalita ay kay Imām Al-Bukhārīy

Ang pagpapaliwanag

Tumindig ang isang arabeng disyerto at nagsimula sa pag-ihi sa Masjid ng Propeta kaya sinagupa siya ng mga tao sa pamamagitan ng salita nila hindi sa pamamagitan ng mga kamay nila. Ibig sabihin ay sinigawan nila siya. Nagsabi naman sa kanila ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na hayaan nila ito. Noong natapos na ito sa pag-ihi nito, inutusan niya sila na magbuhos sa lugar na inihian niyon ng isang timbang tubig. Nilinaw niya sa kanila na sila ay mga tagapag-anyaya para sa pagpapadali at hindi para sa pagtataboy at pagpapalayo sa mga tao sa patnubay.

Paglalahad ng mga salin

16 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
UG ئۇيغۇرچە Uyghur
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
FR Français Ang Wikang Pranses
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa