1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan

Pagpapanibago Magkaroon ka ng pangingilag sa pagkakasala kay Allah at pagdakila [kay Allah] sa bawat mataas na lugar.

عن أبي هريرة رضي الله عنه : أنّ رجلًا قال: يا رسول الله، إني أُريد أن أُسافرَ فأَوْصِني، قال: «عليك بتقوى الله، والتَّكبير على كلِّ شَرَفٍ» فلمّا ولَّى الرجلُ، قال: «اللهم اطْوِ له البُعدَ، وهَوِّنْ عليه السفر».

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Alalh sa kanya: "May isang lalaking nagsabi: O Sugo ni Allah, tunay na ako ay nagnanais na maglakbay kaya tagubilinan mo po ako. Nagsabi siya: Panatiliin mo ang pangingilag sa pagkakasala kay Allah at ang pagdakila [kay Allah] sa bawat mataas na lugar. Kaya noong nakalisan na ang lalaki, nagsabi siya: O Allah, paiksiin Mo para sa kanya ang layo at pagaanin Mo sa kanya ang paglalakbay."

Maganda Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad

Ang pagpapaliwanag

Ninais ng isang lalaki na maglakbay kaya ngsabi ito: "O Sugo ni Allah, tagubilinan mo po ako." Nagtagubilin sa kanya ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na panatilihin niya ang pangingilag sa pagkakasala kay Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, at na dakilain niya si Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, sa bawat mataas na lugar. Noong nakatalikod ang lalaki, dumalangin ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na maging madali sa kanya ang gawain at ang magandang sasakyan na magpaparating sa kanya nang maginhawa, at na padaliin sa kanya ang paglalakbay sa pamamagitan ng pagtaboy sa mga makapipinsala sa kanya.

Paglalahad ng mga salin

15 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
UG ئۇيغۇرچە Uyghur
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
FR Français Ang Wikang Pranses
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish