1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang Pinaniniwalaan

Pagpapanibago Ang paghahalintulad sa mapagpaimbabaw ay gaya ng paghahalintulad sa tupa na lumilipat sa pagitan ng [dalawang kawan ng] mga tupa: lumilipat dito minsan at diyan minsan

عَنِ ابْنِ عُمَرَ رضي الله عنهما عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، قَالَ:
«مَثَلُ الْمُنَافِقِ، كَمَثَلِ الشَّاةِ الْعَائِرَةِ بَيْنَ الْغَنَمَيْنِ تَعِيرُ إِلَى هَذِهِ مَرَّةً وَإِلَى هَذِهِ مَرَّةً».

Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa), ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Ang paghahalintulad sa mapagpaimbabaw ay gaya ng paghahalintulad sa tupa na lumilipat sa pagitan ng [dalawang kawan ng] mga tupa: lumilipat dito minsan at diyan minsan."

Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim Ṣaḥīḥ Muslim - 2784

Ang pagpapaliwanag

Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa kalagayan ng mapagpaimbabaw, na siya ay gaya ng tupang nag-aatubiling hindi nakaaalam, na sumusunod sa alinman sa dalawang kawan ng tupa. Pumupunta siya sa kawang ito minsan at sa ibang kawan minsan naman. Kaya sila ay mga nalilito sa pagitan ng pananampalataya at kawalang-pananampalataya. Kaya naman sila ay hindi kasama ng mga mananampalataya sa panlabas at sa panloob ni sila ay kasama ng mga tagatangging sumampalataya sa panlabas at sa panloob; bagkus ang mga panlabas nila ay kasama ng mga mananampalataya at ang mga panloob nila ay nasa isang pagdududa at isang pag-aatubili sapagkat minsan kumikiling sa mga ito at minsan kumikiling sa mga iyan.

من فوائد الحديث

  1. Bahagi ng paggabay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang paglalahad ng paghahalintulad para magpalapit ng mga kahulugan.
  2. Ang paglilinaw sa kalagayan ng mga mapagpaimbabaw na pag-aatubili, pagdududa, at kawalan ng pamamalagi.
  3. Ang pagbibigay-babala laban sa kalagayan ng mga mapagpaimbabaw at ang paghimok sa katapatan at pagtitika sa pananampalataya sa panlabas at panloob.

Paglalahad ng mga salin

68 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
UG ئۇيغۇرچە Uyghur
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
FR Français Ang Wikang Pranses
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges
ML മലയാളം Malayalam
TE తెలుగు Telugu
SW Kiswahili Swahili
TA தமிழ் Tamil
MY မြန်မာ Burmese
TH ไทย Thailand
DE Deutsch Aleman
JA 日本語 Hapon
PS پښتو Pushto
AS অসমীয়া Asami
SQ Shqip Albaniyano
SV Svenska السويدية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
KY Кыргызча Luqadda qer-qeesiya
NE नेपाली النيبالية
YO Yorùbá Luqadda yuruuba
LT Lietuvių الليتوانية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
SO Soomaali الصومالية
TG тоҷикӣ الطاجيكية
RW Kinyarwanda Luqadda kiniya ruwadiga
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
CS Čeština التشيكية
MOS Moore الموري
MG Malagasy Luqadda malgaashka
FF Fulfulde الفولانية
IT Italiano Italiyano
OM Oromoo Luqadda Oromaha
KN ಕನ್ನಡ Luqadda kinaadiga
WO Wolof الولوف
BG Български البلغارية
AZ Azərbaycan Luqadda Asariga
EL Ελληνικά اليونانية
UZ O‘zbek الأوزبكية
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
LN Lingala اللينجالا
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
BM Bambara البامبارية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية
DA Dansk الدنماركية
RN Kirundi الكيروندي
KMR Kurmancî الكرمنجية
MS Bahasa Melayu الملايو