1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang Pinaniniwalaan

Pagpapanibago Tunay na ang pinakamabigat na ṣalāh sa mga mapagpaimbabaw ay ang ṣalāh sa gabi at ang ṣalāh sa madaling-araw. Kung sakaling nakaaalam sila sa [gantimpala sa] dalawang ito, talaga sanang pumunta sila sa dalawang ito kahit pa man pagapang

عن أبي هريرة رضي الله عنه قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم:
«‌إِنَّ ‌أَثْقَلَ صَلَاةٍ عَلَى الْمُنَافِقِينَ صَلَاةُ الْعِشَاءِ وَصَلَاةُ الْفَجْرِ، وَلَوْ يَعْلَمُونَ مَا فِيهِمَا لَأَتَوْهُمَا وَلَوْ حَبْوًا، وَلَقَدْ هَمَمْتُ أَنْ آمُرَ بِالصَّلَاةِ فَتُقَامَ، ثُمَّ آمُرَ رَجُلًا فَيُصَلِّيَ بِالنَّاسِ، ثُمَّ أَنْطَلِقَ مَعِي بِرِجَالٍ مَعَهُمْ حُزَمٌ مِنْ حَطَبٍ إِلَى قَوْمٍ لَا يَشْهَدُونَ الصَّلَاةَ، فَأُحَرِّقَ عَلَيْهِمْ بُيُوتَهُمْ بِالنَّارِ».

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Tunay na ang pinakamabigat na ṣalāh sa mga mapagpaimbabaw ay ang ṣalāh sa gabi at ang ṣalāh sa madaling-araw. Kung sakaling nakaaalam sila sa [gantimpala sa] dalawang ito, talaga sanang pumunta sila sa dalawang ito kahit pa man pagapang. Talaga ngang nagbalak ako na mag-utos [na magsagawa] ng ṣalāh saka magsagawa ng iqamāh, pagkatapos mag-utos ako sa isang lalaki saka mamuno ito sa ṣalāh sa mga tao, pagkatapos lumisan ako na may kasama sa akin na mga lalaking may mga bigkis ng panggatong patungo sa mga taong hindi dumadalo sa ṣalāh saka manunog ako sa kanila ng mga bahay nila sa apoy."}

Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito Ṣaḥīḥ Muslim - 651

Ang pagpapaliwanag

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa mga mapagpaimbabaw at pagtatamad-tamaran nila sa pagdalo sa ṣalāh, lalo na sa ṣalāh sa madaling-araw (fajr) at ṣalāh sa gabi (`ishā'), na sila, kung sakaling nakaaalam sa sukat ng pabuya at gantimpala sa pagdalo sa dalawang ito kasama ng konggregasyon ng mga Muslim, ay talaga sanang pumunta sila sa dalawang ito kahit pa man pagapang gaya ng paggapang ng bata sa pamamagitan ng mga kamay at mga tuhod.
Talaga ngang nagpasya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na mag-utos magsagawa ng ṣalāh saka magsasagawa ng iqamāh at magtatalaga ng isang lalaki na mamumuno sa ṣalāh sa mga tao sa halip niya, pagkatapos lilisan siya nang may kasama sa kanya na mga magpapasan ng mga bigkis ng panggatong patungo sa mga lalaking hindi dumadalo sa ṣalāh sa konggregasyon saka manununog siya sa kanila ng mga bahay nila sa apoy dahil sa tindi ng nagawa nila na kasalanan dahil doon, subalit siya ay hindi gumawa niyon dahil sa mga bahay ay may mga babae, mga batang inosente, at iba pa sa kanila na mga mapagpapaumanhinan, na wala namang pagkakasala sa mga ito.

من فوائد الحديث

  1. Ang pagkapanganib ng pagliban sa pagdalo sa ṣalāh sa konggregasyon sa masjid.
  2. Ang mga mapagpaimbabaw ay walang nilayon sa pagsamba nila kundi ang pagpapakitang-tao at ang pagpapahanga sapagkat hindi sila pumupunta sa ṣalāh malibang kapag nakasasaksi sa kanila ang mga tao.
  3. Ang bigat ng gantimpala ng ṣalāh sa gabi (`ishā') at ṣalāh sa madaling-araw (fajr) kasama ng konggregasyon at na ang dalawang ito ay marapat daluhan kahit pa man pagapang.
  4. Ang pangangalaga ṣalāh sa gabi (`ishā') at ṣalāh sa madaling-araw (fajr) ay isang kaligtasan sa pagpapaimbabaw at ang pagliban sa pagdalo sa dalawang ito ay kabilang sa mga katangian ng mga mapagpaimbabaw.

Paglalahad ng mga salin

60 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
UG ئۇيغۇرچە Uyghur
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges
ML മലയാളം Malayalam
TE తెలుగు Telugu
SW Kiswahili Swahili
TA தமிழ் Tamil
MY မြန်မာ Burmese
TH ไทย Thailand
DE Deutsch Aleman
JA 日本語 Hapon
PS پښتو Pushto
AS অসমীয়া Asami
SQ Shqip Albaniyano
SV Svenska السويدية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
KY Кыргызча Luqadda qer-qeesiya
NE नेपाली النيبالية
YO Yorùbá Luqadda yuruuba
LT Lietuvių الليتوانية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
SO Soomaali الصومالية
TG тоҷикӣ الطاجيكية
RW Kinyarwanda Luqadda kiniya ruwadiga
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
CS Čeština التشيكية
MOS Moore الموري
MG Malagasy Luqadda malgaashka
IT Italiano Italiyano
OM Oromoo Luqadda Oromaha
KN ಕನ್ನಡ Luqadda kinaadiga
WO Wolof الولوف
AZ Azərbaycan Luqadda Asariga
UZ O‘zbek الأوزبكية
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
BM Bambara البامبارية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية
KMR Kurmancî الكرمنجية