1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang Pag-aanyaya at ang Pagpapanagot

Pagpapanibago Tunay na magkakaroon ng mga pinuno na magsisinungaling at lalabag sa katarungan. Ang sinumang naniniwala sa kanila sa kasinungalingan nila at tumutulong sa kanila sa kawalang-katarungan nila, siya ay hindi bahagi ko at ako ay hindi bahagi niya,

عَنْ حُذَيْفَةَ رَضيَ اللهُ عنهُ عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«إِنَّهَا سَتَكُونُ أُمَرَاءُ يَكْذِبُونَ وَيَظْلِمُونَ، فَمَنْ صَدَّقَهُمْ بِكَذِبِهِمْ وَأَعَانَهُمْ عَلَى ظُلْمِهِمْ فَلَيْسَ مِنَّي، وَلَسْتُ مِنْهُ، وَلَا يَرِدُ عَلَيَّ الْحَوْضَ، وَمَنْ لَمْ يُصَدِّقْهُمْ بِكَذِبِهِمْ وَلَمْ يُعِنْهُمْ عَلَى ظُلْمِهِمْ فَهُوَ مِنِّي، وَأَنَا مِنْهُ، وَسَيَرِدُ عَلَيَّ الْحَوْضَ».

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay Ḥudhayfah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Tunay na magkakaroon ng mga pinuno na magsisinungaling at lalabag sa katarungan. Ang sinumang naniniwala sa kanila sa kasinungalingan nila at tumutulong sa kanila sa kawalang-katarungan nila, siya ay hindi bahagi ko at ako ay hindi bahagi niya, at hindi siya pupunta sa akin sa Lawa ko." Ang sinumang hindi naniniwala sa kasinungalingan nila at hindi tumutulong sa kanila sa kawalang-katarungan nila, siya ay bahagi ko at ako ay bahagi niya, at pupunta siya sa akin sa Lawa.}

Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad Musnad Aḥmad - 23260

Ang pagpapaliwanag

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na may mangangasiwa sa mga tao matapos ng pagkamatay niya na mga pinuno na magsisinungaling sa pagsasalita sapagkat magsasabi sila ng hindi nila ginagawa at lalabag sa katarungan sa pamamahala. Ang sinumang pumasok sa kanila at naniniwala sa kanila sa kasinungalingan nila o tumutulong sa kanila sa paggawa ng kawalang-katarungan o pagsasabi nito gaya ng pagbibigay ng fatwā sa kanila bilang pagpapakalapit-loob sa kanila at bilang pag-asa ng taglay nila, siya ay walang-kaugnayan doon, iyon ay hindi bahagi niya, at siya ay hindi bahagi niyon. Hindi iyon pupunta sa kanya sa Lawa ng Kawthar sa Araw ng Pagbangon. Ang sinumang hindi pumasok sa kanila, hindi naniniwala sa kasinungalingan nila, at hindi tumutulong sa kanila sa kawalang-katarungan nila, iyon ay bahagi niya at siya ay bahagi niyon. Pupunta iyon sa kanya sa Lawa sa Araw ng Pagbangon.

من فوائد الحديث

  1. Ang mga hari, kapag nagpasok sa kanila ng pagpapanuto, paggabay, at pagpapagaan ng kasamaan, ito ay ang hinihiling. Hinggil naman sa kapag pumasok sa kanila upang tumulong sa kanila sa kawalang-katarungan at maniwala sa kanila sa kasinungalingan, ito ay ang pinupulaan.
  2. Ang paglilinaw sa banta sa sinumang tumulong sa mga pinuno sa kawalang-katarungan nila.
  3. Ang bantang ito sa ḥadīth ay nagpapatunay sa pagbabawal ng gawaing ito at na ito ay kabilang sa malalaki sa mga pagkakasala.
  4. Ang paghimok sa pakikipagtulungan sa pagsasamabuting-loob, pangingilag magkasala, at hindi pakikipagtulungan sa kasalanan at paglabag.
  5. Ang pagpapatibay sa Lawa ng Propeta nating si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at na ang Kalipunan niya ay pupunta roon.

Paglalahad ng mga salin

35 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
TR Türkçe Ang Wikang Turko
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges
ML മലയാളം Malayalam
TE తెలుగు Telugu
SW Kiswahili Swahili
MY မြန်မာ Burmese
TH ไทย Thailand
PS پښتو Pushto
AS অসমীয়া Asami
SQ Shqip Albaniyano
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
MOS Moore الموري
KN ಕನ್ನಡ Luqadda kinaadiga
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية