1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang Pinaniniwalaan

Pagpapanibago Maglalantad ang Panginoon natin ng lulod Niya kaya magpapatirapa sa Kanya ang bawat mananampalatayang lalaki at mananampalatayang babae ngunit mananatiling [nakatayo] ang bawat sinumang nagpapatirapa noon sa Mundo bilang pakita at parinig at magtatangka siyang magpatirapa ngunit magiging parang iisang buto ang likod niya.

عن أبي سعيد الخدري رضي الله عنه مرفوعاً: «يكشِف ربُّنا عن ساقِه، فيسجدُ له كلُّ مؤمنٍ ومؤمنةٍ، فيبقى كلُّ مَن كان يسجدُ في الدنيا رياءً وسُمْعةً، فيذهبُ ليسجدَ، فيعودَ ظهرُه طبقًا واحدًا».

Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allāh sa kanya: "Maglalantad ang Panginoon natin ng lulod Niya kaya magpapatirapa sa Kanya ang bawat mananampalatayang lalaki at mananampalatayang babae ngunit mananatiling [nakatayo] ang bawat sinumang nagpapatirapa noon sa Mundo bilang pakita at parinig at magtatangka siyang magpatirapa ngunit magiging parang iisang buto ang likod niya."

Tumpak Napagkaisahan ang katumpakan

Ang pagpapaliwanag

Maglalantad ang Panginoon, napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas, ng lulod Niya kaya magpapatirapa sa Kanya ang bawat mananampalatayang lalaki at mananampalatayang babae. Tungkol naman sa mga nagpapanggap na nagpapatirapa noon sa Mundo upang makita sila ng mga tao, pipigilan sila sa pagpapatirapa at gagawin ang mga likod na parang iisang gulugod. Hindi nila makakayang yumuko ni magpatirapa dahil sila ay hindi naman sa katotohanan nagpapatirapa noon kay Allāh sa Mundo. Nagpapatirapa lamang sila dahil sa mga makamundong layon. Hindi ipinahihintulot na ipakahulugan ang "lulod" bilang katindihan o pighati o iba pa, bagkus kinakailangang pagtibayin ito bilang isang katangiang taglay ni Allāh, pagkataas-taas Niya, nang walang pagpapaliwanag sa kahulugan, walang pagtutulad, at nang walang paglilihis sa kahulugan, ni pag-aalis ng kahulugan.

Paglalahad ng mga salin

16 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
FR Français Ang Wikang Pranses
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges