1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang Pinaniniwalaan

Pagpapanibago Tunay na si Allāh ay nagsabi: "Kapag lumapit sa Akin ang lingkod Ko nang isang dangkal, lalapit Ako sa kanya nang isang siko. Kapag lumapit siya sa Akin ng isang siko, lalapit Ako sa kanya ng isang dipa. Kapag lumapit siya sa Akin ng isang dipa, lalapit Ako sa kanya nang pinakamabilis."

عن أبي هريرة رضي الله عنه مرفوعاً: «إنَّ اللهَ قال: إذا تَلَقَّاني عبدي بشِبر، تَلَقَّيْتُه بذِراع، وإذا تَلَقَّاني بذراع، تَلَقَّيْتُه ببَاع، وإذا تَلَقَّاني بباع أتيتُه بأسرع».

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: Tunay na si Allāh ay nagsabi: "Kapag lumapit sa Akin ang lingkod Ko nang isang dangkal, lalapit Ako sa kanya nang isang siko. Kapag lumapit siya sa Akin ng isang siko, lalapit Ako sa kanya ng isang dipa. Kapag lumapit siya sa Akin ng isang dipa, lalapit Ako sa kanya nang pinakamabilis."

Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim

Ang pagpapaliwanag

Kapag nagpakalapit ang tao sa Panginoon sa sukat na isang dangkal, nagpapakalapit ang Panginoon sa kanya sa sukat na isang siko. Kapag nagpakalapit ang tao sa Panginoon nang higit doon, nagpapakalapit ang Panginoon sa kanya nang higit sa pagpapakalapit niya sa Panginoon. Kapag pumunta ang tao sa Panginoon niya, pupunta sa kanya ang Panginoon nang higit na mabilis kaysa sa kanya. Ang paglapit at ang pagpunta ay dalawang katangiang napagtibay na taglay ni Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan. Naniniwala tayo sa dalawang ito nang walang pagpapaliwanag ng kahulugan, ni pagtutulad sa kahulugan, at nang walang paglilihis ng kahulugan, at ni pagpapaliwanag sa kahulugan.

Paglalahad ng mga salin

15 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
UG ئۇيغۇرچە Uyghur
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
FR Français Ang Wikang Pranses
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa