عَنْ سَعْدِ بنِ أبي وَقَّاصٍ رَضيَ اللهُ عنه قَالَ:
كُنَّا عِنْدَ رَسُولِ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، فَقَالَ: «أَيَعْجِزُ أَحَدُكُمْ أَنْ يَكْسِبَ، كُلَّ يَوْمٍ أَلْفَ حَسَنَةٍ؟» فَسَأَلَهُ سَائِلٌ مِنْ جُلَسَائِهِ: كَيْفَ يَكْسِبُ أَحَدُنَا أَلْفَ حَسَنَةٍ؟ قَالَ: «يُسَبِّحُ مِائَةَ تَسْبِيحَةٍ، فَيُكْتَبُ لَهُ أَلْفُ حَسَنَةٍ، أَوْ يُحَطُّ عَنْهُ أَلْفُ خَطِيئَةٍ».

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay Sa`d bin Abī Waqqāṣ (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Kami minsan ay nasa piling ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi siya: "Nawawalang-kakayahan ba ang isa sa inyo na kumita sa bawat araw ng isang libong magandang gawa?" Kaya may nagtanong sa kanya na isang tagatanong kabilang sa mga kaupuan niya: "Papaano po kikita ang isa sa amin ng isang libong magandang gawa?" Nagsabi siya: "Magluluwalhati siya ng isang daang pagluwalhati saka may maitatala para sa kanya na isang libong magandang gawa o may maibabawas sa kanya na isang libong kamalian."}

Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim Ṣaḥīḥ Muslim - 2698

Ang pagpapaliwanag

Nagtanong ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga Kasamahan niya: "Hindi ba nakakakaya ang isa sa inyo na magkamit sa bawat araw ng isang libong magandang gawa?" Kaya nagsabi ang isa sa mga kaupuan niya: "Papaano po magtatamo ang tao ng isang libong magandang gawa sa isang araw nang may kadalian?" Nagsabi siya: "Sumambit siya ng: subḥāna -llāh (Kaluwalhatian kay Allāh) nang isang daang ulit saka may maitatala para sa kanya na isang libong magandang gawa dahil ang iisang magandang gawa ay katumbas sa sampung tulad nito o may mapapawi sa kanya na isang libong masagwang gawa mula sa mga masagwang gawa niya."

من فوائد الحديث

  1. Ang pag-udyok sa mga kalamangan dahil ang mga ito ay hagdan ng mga pagtalima.
  2. Ang kainaman ng pagluwalhati at pagsambit ng dhikr at na ang magaang gawaing ito na hindi nakapagpapahirap sa tao ng anuman ay magdudulot sa kanya dahil dito ng malaking pabuya.
  3. Ang pagdadali-dali ng mga Kasamahan sa paggawa ng mga kabutihan nang walang pagpapahuli.
  4. Ang pagpapaibayo ng mga magandang gawa hanggang sa sampung tulad ng mga ito. Iyon ay tulad ng sabi ni Allāh (Qur'ān 6:160): {Ang sinumang naghatid ng magandang gawa ay ukol sa kanya ang sampung tulad nito, ...} Ito ay ang pinakakaunti sa mga antas ng pagpapaibayo at kung hindi ganito, may nasaad na hanggang sa pitong daang ibayo.
  5. Nasaad sa ilan sa mga salaysay na sa halip ng O ay may nasaad na "AT" sa sabi niyang: "O mababawas sa kanya ..." Nagsabi si Al-Qārī: "Maaaring magbigay ang AT [sa wikang Arabe] ng kahulugang O kaya walang salungatan sa pagitan ng dalawang salaysay. Para bang ang kahulugan ay: na ang sinumang nagsabi nito ay maitatala para sa kanya ang isang libong magandang gawa. Kung hindi nagkaroon sa kanya, may maibabawas na ilan at may matatamo na ilan. Maaaring ang O ay maging may kahulugang AT o may kahulugang BAGKUS. Kaya sa sandaling iyon, magtitipon ito para sa kanya ng dalawang ito. Ang kainaman ni Allāh ay higit na malawak kaysa roon." Ibig sabihin: Na may maitatala para sa kanya na isang libong magandang gawa at may maibabawas sa kanya na isang libong masagwang gawa.

Paglalahad ng mga salin

36 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges
ML മലയാളം Malayalam
TE తెలుగు Telugu
SW Kiswahili Swahili
MY မြန်မာ Burmese
TH ไทย Thailand
PS پښتو Pushto
AS অসমীয়া Asami
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
KN ಕನ್ನಡ Luqadda kinaadiga
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية