1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan

Pagpapanibago Kapighatian sa nagsasalita at nagsisinungaling upang matawa ang mga tao! Kapighatian sa kanya, pagkatapos ay kapighatian sa kanya!

عن معاوية بن حيدة رضي الله عنه قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «ويل للذي يحدث فيكذب؛ ليضحك به القوم، ويل له، ثم ويل له».

Ayon kay Mu`āwiyah bin Ḥaydah, malugod si Allah sa kanya: "Kapighatian sa nagsasalita at nagsisinungaling upang matawa ang mga tao! Kapighatian sa kanya, pagkatapos ay kapighatian sa kanya!"

Maganda Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad

Ang pagpapaliwanag

May nasasaad sa hadith na matinding babala laban sa pagsisinungaling at banta ng kapahamakan sa nahihirati sa pagsisinungaling para magbiro at magpatawa sa mga tao. Ito ay kabilang sa pinakapangit sa mga pangit na gawain. Ipinagdidiinan ang pagbabawal rito sapagkat ito ay kabilang sa mga masagwang kaasalan na kinakailangang iwaksi ng mananampalataya, layuan, at linisin ang dila sa pagsisinungaling sa lahat ng kalagayan, maliban sa pinahintulutan ni Allah. Kung papaanong ipinagbabawal ang pagsasalita ng kasinungalingan para magbiro, gayon din ipinagbabawal sa mga tagapakinig ang pakikinig nito kapag nalaman nilang kasinungalingan ito, bagkus kinakailangang masamain nila ito.

Paglalahad ng mga salin

17 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
FR Français Ang Wikang Pranses
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges