1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang Pag-aanyaya at ang Pagpapanagot

Pagpapanibago Ang Relihiyong Islām ay magaan. Hindi makikipagmatigasan sa Relihiyong Islām ang isa malibang mananaig ito sa kanya. Kaya magtama kayo, makipaglapit kayo,

عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«إِنَّ الدِّينَ يُسْرٌ، وَلَنْ يُشَادَّ الدِّينَ أَحَدٌ إِلَّا غَلَبَهُ، فَسَدِّدُوا وَقَارِبُوا، وَأَبْشِرُوا، وَاسْتَعِينُوا بِالْغَدْوَةِ وَالرَّوْحَةِ وَشَيْءٍ مِنَ الدُّلْجَةِ».

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Ang Relihiyong Islām ay magaan. Hindi makikipagmatigasan sa Relihiyong Islām ang isa malibang mananaig ito sa kanya. Kaya magtama kayo, makipaglapit kayo, magalak kayo, at magpatulong kayo [kay Allāh] sa umaga, hapon, at isang bahagi ng gabi."}

Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy - 39

Ang pagpapaliwanag

Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang Relihiyong Islām ay nakabatay sa pagpapagaan at kadalian sa lahat ng mga pumapatungkol dito. Nabibigyang-diin ang pagpapagaan sa sandali ng pag-iral ng kadahilanan ng kawalang-kakayahan at pangangailangan at dahil ang pagpapakalalim sa mga gawaing panrelihiyon at pagwaksi ng kalumayan ay magreresulta ng kawalang-kakayahan at pagkatigil sa paggawa sa kabuuan nito o isang bahagi nito. Pagkatapos humimok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagpapakakatamtaman nang walang pagpapalabis-labis kaya naman hindi magkukulang ang tao sa ipinag-utos sa kanya at hindi siya magbabata ng hindi niya nakakayanan. Kung nawalang-kakayahan siya sa paggawa ayon sa pinakakumpleto, ang gagawan ay ayon sa nalalapit doon.
Nagbalita ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng nakagagalak hinggil sa masaganang gantimpala sa gawaing palagian, kahit pa kaunti, ng sinumang nawalang-kakayahan sa paggawa ayon sa pinakakumpleto dahil ang kawalang-kakayahan, kapag naging hindi mula sa kagagawan niya, ay hindi nag-oobliga ng pagkabawas sa pabuya sa kanya.
Yayamang ang Mundo sa reyalidad ay isang tahanan ng paglalakbay at isang paglipat tungo sa Kabilang-buhay, nag-utos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagpapatulong sa pagpapamalagi ng pagsamba sa pamamagitan ng pagganap sa mga ito sa tatluhang nagpapasiglang oras:
A. Ang Umaga: sa pamamagitan ng pagkilos sa unang bahagi ng maghapon, ang nasa pagitan ng ṣalāh sa madaling-araw hanggang sa pagsikat ng araw.
B. Ang Hapon: sa pamamagitan ng pagkilos matapos ng katanghaliang-tapat.
C. Ang Gabi: sa pamamagitan ng pagkilos sa gabi sa kabuuan nito o isang bahagi nito; at dahil ang paggawa sa gabi ay higit na mahirap kaysa sa paggawa sa maghapon, nag-utos siya ng isang bahagi nito sa pamamagitan ng pagsabi niya: "at isang bahagi ng gabi."

من فوائد الحديث

  1. Ang kadalian at ang kaluwagan ng Batas ng Islām at ang pagpapakakatamtaman nito sa pagitan ng pagpapalabis at pagpapakulang.
  2. Kailangan sa tao na magsagawa sa utos sa abot ng kakayahan niya, nang walang pagwawalang-bahala o pagpapatindi.
  3. Kailangan sa tao na mamili ng mga oras ng kasiglahan sa pagsamba. Ang tatlong oras na ito, sa pagsasaalang-alang sa mga ito, ay ang pinakamaginhawang sandali ng katawan para sa pagsasamba.
  4. Nagsabi si Ibnu Ḥajar Al-`Asqalānīy: Para bang siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay kumausap sa isang manlalakbay patungo sa isang pinapakay. Ang tatlong oras na ito ay ang pinakakaaya-aya sa mga oras ng manlalakbay kaya tumawag-pansin siya rito sa mga oras ng kasiglahan nito. Ito ay dahil ang manlalakbay, kapag naglakbay sa gabi at maghapon nang magkasama, ay nanghihina at nawawalay. Kapag hinangad niya ang maglakbay sa mga oras na nagpapasigla, magbibigay-kakayahan sa kanya ang pagpapamalagi nang walang hirap.
  5. Nagsabi pa si Ibnu Ḥajar: Ang pahiwatig sa ḥadīth na ito ay ang paggamit ng permisong legal sapagkat tunay na ang paggamit ng pagmamatigas sa halip ng permiso ay pagpapakaselan, gaya ng sinumang nagwawaksi ng tayammum sa sandali ng kawalang-kakayahan sa paggamit ng tubig kaya nagpapahantong sa kanya ang paggamit ng tubig sa pagtamo ng pinsala.
  6. Nagsabi si Ibnu Al-Munīr: Sa ḥadīth na ito ay may isang tanda kabilang sa mga tanda ng pagkapropeta sapagkat nakakita nga tayo at nakakita nga ang mga tao bago natin na ang bawat nagpapakaselan sa Relihiyon ay nalalagot. Ang tinutukoy ay hindi ang pagpigil sa paghahangad ng pinakakumpleto sa pagsamba sapagkat ito ay kabilang sa mga bagay na pinapupurihan; bagkus ang pagpigil sa pagpapalabis na nauuwi sa pagkasawa o ang pagpapasobra sa pagkukusang-loob na humahantong sa pagwaksi ng pinakamainam o ang pagpapalabas sa tungkulin lampas sa oras nito gaya ng sinumang magdamag na nagdarasal sa gabi sa kabuuan nito kaya nakatulog sa oras ng ṣalāh sa madaling-araw sa konggregasyon o hanggang sa sumikat ang araw kaya nakalampas ang oras ng tungkulin.

Paglalahad ng mga salin

53 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
UG ئۇيغۇرچە Uyghur
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges
ML മലയാളം Malayalam
TE తెలుగు Telugu
SW Kiswahili Swahili
TA தமிழ் Tamil
MY မြန်မာ Burmese
TH ไทย Thailand
DE Deutsch Aleman
PS پښتو Pushto
AS অসমীয়া Asami
SQ Shqip Albaniyano
SV Svenska السويدية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
KY Кыргызча Luqadda qer-qeesiya
NE नेपाली النيبالية
LT Lietuvių الليتوانية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
TG тоҷикӣ الطاجيكية
RW Kinyarwanda Luqadda kiniya ruwadiga
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
CS Čeština التشيكية
MOS Moore الموري
MG Malagasy Luqadda malgaashka
OM Oromoo Luqadda Oromaha
KN ಕನ್ನಡ Luqadda kinaadiga
WO Wolof الولوف
AZ Azərbaycan Luqadda Asariga
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية