1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito

Pagpapanibago Walang magluluksang isang babae sa isang patay nang higit sa tatlong [araw] maliban sa asawa, na [ipagluluksa ng] apat na buwan at sampung [araw]

عَنْ أُمِّ عَطِيَّةَ رَضيَ اللهُ عنها أَنَّ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«لَا تُحِدُّ امْرَأَةٌ عَلَى مَيِّتٍ فَوْقَ ثَلَاثٍ إِلَّا عَلَى زَوْجٍ أَرْبَعَةَ أَشْهُرٍ وَعَشْرًا، وَلَا تَلْبَسُ ثَوْبًا مَصْبُوغًا إِلَّا ثَوْبَ عَصْبٍ، وَلَا تَكْتَحِلُ، وَلَا تَمَسُّ طِيبًا إِلَّا إِذَا طَهُرَتْ نُبْذَةً مِنْ قُسْطٍ أَوْ أَظْفَارٍ».

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay Ummu `Aṭīyah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Walang magluluksang isang babae sa isang patay nang higit sa tatlong [araw] maliban sa asawa, na [ipagluluksa ng] apat na buwan at sampung [araw]. Hindi siya magsusuot ng isang damit na tinina maliban ng isang damit na `aṣb, hindi siya gagamit ng kuḥl, at hindi siya hihipo ng pabango malibang kapag natapos magregla: isang katiting na qust o ađfār."}

Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito Ṣaḥīḥ Muslim - 938

Ang pagpapaliwanag

Sinaway ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang mga babae laban sa pagluluksa — sa pamamagitan ng pagwawaksi ng panggayak gaya ng mabangong bagay, kuḥl, mga alahas, at mga marikit na damit — sa isang patay maging ito man ay ama o kapatid o anak o iba pa sa kanila nang hihigit sa tatlong araw, maliban sa asawa, na [ipagluluksa ng] apat na buwan at sampung [araw]. Hindi siya magsusuot sa pagluluksa niya sa asawa ng lahat ng damit na kinulayan para sa gayak maliban sa damit na `aṣb, na isang damit na Yamānīy, na kinulayan [ang mga sinulid] bago mahabi. Hindi siya maglalagay ng kuḥl sa mata para sa paggayak. Hindi siya magpapabango ng mga halimuyak na pampabango (perfume) at iba pa sa mga ito, malibang kapag nakapaligo siya matapos ng regla niya sapagkat makagagamit siya ng isang katiting na qust o ađfār, na dalawang kilalang uri ng insenso at hindi tumutukoy sa pabango. Nagpahintulot dito para sa babaing nakapaligo matapos ng pagreregla para sa pag-alis ng mabahong amoy, na inireresulta ng bakas ng dugo sa ari ng babae, hindi para sa pagpapabango.

من فوائد الحديث

  1. Ang pagluluksa ay nangangahulugan ng pagwaksi ng gayak at anumang nag-aanyaya tungo sa pag-aasawa kaya kailangan sa maybahay na umiwas sa bawat alahas at bawat pabango at kuḥl at umiwas sa mga damit na panggayak.
  2. Ang pagsaway ng pagluluksa ng babae sa isang patay higit sa tatlong araw maliban sa asawa niya.
  3. Ang paglilinaw sa mahalagang katayuan ng asawa yayamang hindi nagluluksa sa iba pa sa kanya nang higit sa tatlong araw.
  4. Ang pagpayag sa pagluluksang tatlong araw o mababa pa bilang pagbibigay-luwag sa sarili.
  5. Ang pagkakinakailangan ng pagluluksa ng babae sa asawa niya nang apat na buwan at sampung araw hanggat siya ay hindi buntis o hanggang sa makapagsilang kung buntis.
  6. Pinapayagan sa kanya ang damit na kinulayan hindi para sa gayak at ang tuntunin ng pag-alam nito ay ang kaugalian.

Paglalahad ng mga salin

37 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
UG ئۇيغۇرچە Uyghur
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges
ML മലയാളം Malayalam
TE తెలుగు Telugu
SW Kiswahili Swahili
MY မြန်မာ Burmese
TH ไทย Thailand
PS پښتو Pushto
AS অসমীয়া Asami
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
KN ಕನ್ನಡ Luqadda kinaadiga
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية