1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito

Pagpapanibago Kapag bumagsak ang langaw sa inumin ng isa sa inyo ay ilubog niya ito, pagkatapos ay alisin niya ito, sapagkat tunay na sa isa sa mga pakpak nito ay may karamdaman at sa kabila ay may kalunasan.

عن أبي هريرة رضي الله عنه مرفوعاً: «إذا وقع الذباب في شراب أحدكم فليغمسه، ثم لينزعه؛ فإن في أحد جناحيه داء، وفي الآخر شفاء». وفي رواية: «وإنه يتقي بجناحه الذي فيه الداء».

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Kapag bumagsak ang langaw sa inumin ng isa sa inyo ay ilubog niya ito, pagkatapos ay alisin niya ito, sapagkat tunay na sa isa sa mga pakpak nito ay may karamdaman at sa kabila ay may kalunasan." Sa isang sanaysay: "at tunay na iyan ay nagsasanggalang laban sa pakpak nitong naroon ang karamdaman."

Tumpak Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad

Ang pagpapaliwanag

Nagpabatid ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng tungkol sa langaw kapag bumagsak ito sa inumin. Tunay na ito ay hindi nakaaapekto sa inumin, bagkus kailangang ilubog ito nang buo roon. Iyon ay dahil sa ang isa sa mga pakpak nito ay may sakit, at ito ang pakpak na inilulubog sa tubig, at sa kabila ay may kalunasan sa sakit na iyon. Napatunayan na ng makabagong medisina ang katumpakan ng impormasyong ito na nalaman ng mga Muslim ilang siglo na ang nakalipas. Ang papuri ay ukol kay Allāh dahil sa biyaya ng Islām.

Paglalahad ng mga salin

17 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
FR Français Ang Wikang Pranses
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges