1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito

Pagpapanibago {Nagtanong ako kay `Ā'ishah sapagkat nagsabi ako: "Ano ang mayroon sa nagreregla: nagbabayad-pagsasagawa ng pag-aayuno at hindi nagbabayad-pagsasagawa ng pagdarasal?

عَنْ مُعَاذَةَ قَالَتْ:
سَأَلْتُ عَائِشَةَ، فَقُلْتُ: مَا بَالُ الْحَائِضِ تَقْضِي الصَّوْمَ، وَلَا تَقْضِي الصَّلَاةَ؟ فَقَالَتْ: أَحَرُورِيَّةٌ أَنْتِ؟ قُلْتُ: لَسْتُ بِحَرُورِيَّةٍ، وَلَكِنِّي أَسْأَلُ. قَالَتْ: كَانَ يُصِيبُنَا ذَلِكَ، فَنُؤْمَرُ بِقَضَاءِ الصَّوْمِ، وَلَا نُؤْمَرُ بِقَضَاءِ الصَّلَاةِ.

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay Mu`ādhah na nagsabi:
{Nagtanong ako kay `Ā'ishah sapagkat nagsabi ako: "Ano ang mayroon sa nagreregla: nagbabayad-pagsasagawa ng pag-aayuno at hindi nagbabayad-pagsasagawa ng pagdarasal?" Kaya nagsabi siya: "Ḥarūrīyah§ ka ba? Nagsabi ako: "Ako ay hindi Ḥarūrīyah subalit ako ay nagtatanong." Nagsabi siya: "Dumadapo sa amin iyon kaya inuutusan kami ng pagbabayad-pagsasagawa sa pag-aayuno at hindi kami inuutusan ng pagbabayad-pagsasagawa sa pagdarasal."}

Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito Ṣaḥīḥ Muslim - 335

Ang pagpapaliwanag

Nagtanong si Mu`ādhah Al-`Adawīya sa Ina ng mga Mananampalataya na si `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) sapagkat nagsabi ito: "Ano ang mayroon sa nireregla: nagbabayad-pagsasagawa ng pag-aayuno at hindi nagbabayad-pagsasagawa ng pagdarasal?" Kaya nagsabi siya rito: "Ikaw ba ay kabilang sa mga tagapaghimagsik na Ḥarūrīyah na nagpaparami ng mga tanong dahil sa pangungulit at pagpapakahigpit. Nagsabi ako: "Ako ay hindi Ḥarūrīy subalit ako ay nagtatanong." Nagsabi siya: "Dumadapo sa amin ang pagreregla kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya inuutusan kami ng pagbabayad-pagsasagawa sa pag-aayuno at hindi kami inuutusan ng pagbabayad-pagsasagawa sa pagdarasal."

من فوائد الحديث

  1. Ang pagmamasama sa bawat sinumang nagtatanong ng tanong ng pangungulit at pakikipagtalo.
  2. Ang Ḥarūrīyah ay isang pag-uugnay (nisbah) sa isang bayang malapit sa Kūfah, na ang pangalan ay Ḥarūrā', na isang sekta ng Khawārij. Ang pagkahinala sa nagtanong sa pagkakabilang sa kanila ay dahil sa lagay nila at dami ng mga pagtatanung-tanong nila at pangungulit nila sa mga ito.
  3. Ang pagpapalinaw ng tagapagturo sa sinumang humiling sa kanya para sa pagpapakatuto at pagpapagabay.
  4. Ang pagsagot sa pamamagitan ng teksto ay higit na marapat dahil si `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) ay hindi tumutol sa kahulugan na itinanong ng babaing tagapagtanong. Iyon ay dahil ang pagsagot sa pamamagitan ng teksto ay higit na kapani-paniwala sa pagkontra.
  5. Ang pagpapasakop sa kahatulan ni Allāh at ng Sugo Niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kahit pa hindi nalaman ng tao ang kasanhian.
  6. Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Ang kahulugan ng sabi ni `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) ay na may isang pangkatin ng Khawārij na nag-oobliga sa nireregla ng pagbabayad-pagsasagawa ng ṣalāh na di-naisagawa sa panahon ng pagreregla samantalang ito ay kasalungatan sa pagkakabuklod ng hatol ng mga Muslim. Ang pag-usisang ito na ipinang-usisa niya kay `Ā'ishah ay isang pag-uusisa ng pagtutol. Ibig sabihin: Ito ay pamamaraan ng Ḥarūrīyah at kay saklap na pamamaraan!

Paglalahad ng mga salin

37 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
UG ئۇيغۇرچە Uyghur
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges
ML മലയാളം Malayalam
TE తెలుగు Telugu
SW Kiswahili Swahili
MY မြန်မာ Burmese
TH ไทย Thailand
PS پښتو Pushto
AS অসমীয়া Asami
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
KN ಕನ್ನಡ Luqadda kinaadiga
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية