1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito

Pagpapanibago Manatili ka ayon sa tagal na dati nang humahadlang sa iyo ang pagreregla mo, pagkatapos maligo ka

عَنْ عَائِشَةَ أُمِّ المُؤْمِنينَ رَضي الله عنها أَنَّهَا قَالَتْ:
إِنَّ أُمَّ حَبِيبَةَ بِنْتَ جَحْشٍ الَّتِي كَانَتْ تَحْتَ عَبْدِ الرَّحْمَنِ بْنِ عَوْفٍ شَكَتْ إِلَى رَسُولِ اللهِ صلى الله عليه وسلم الدَّمَ، فَقَالَ لَهَا: «امْكُثِي قَدْرَ مَا كَانَتْ تَحْبِسُكِ حَيْضَتُكِ، ثُمَّ اغْتَسِلِي». فَكَانَتْ تَغْتَسِلُ عِنْدَ كُلِّ صَلَاةٍ.

Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
"Tunay na si Ummu Ḥabībah bint Jaḥsh na noon ay maybahay ni `Abdurraḥmān bin `Awf ay dumaing sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagdurugo. Kaya naman nagsabi siya rito: "Manatili ka ayon sa tagal na dati nang humahadlang sa iyo ang pagreregla mo, pagkatapos maligo ka." Kaya siya noon ay naliligo sa sandali ng bawat ṣalāh."}

Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim Ṣaḥīḥ Muslim - 334

Ang pagpapaliwanag

Dumaing ang isa sa mga Babaing Kasamahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagpapatuloy ng paglabas ng dugo sa kanya. Kaya nag-utos ito sa kanya na huminto siya sa pagsasagawa ng ṣalāh ayon sa tagal na dati nang ang pagreregla niya ay humahadlang sa kanya bago ng paglabas nitong bagay na natataon sa kanya. Pagkatapos maliligo siya at magsasagawa siya ng ṣalāh. Kaya naman siya noon ay naliligo nang kusang-loob para sa bawat ṣalāh.

من فوائد الحديث

  1. Ang istiḥāḍah ay na magpatuloy sa babae ang paglabas ng dugo matapos ng mga araw ng regla niyang kinahiratian.
  2. Ang may istiḥāḍah ay magtuturing sa sarili niya bilang nagreregla ayon sa bilang ng mga araw na dumarating sa kanya ang regla bago pa dumapo sa kanya ang dumapo sa kanya na istiḥāḍah.
  3. Kapag lumipas ang bilang ng mga araw ng orihinal na nakahiratiang pagreregla niya, tunay na siya ay magtuturing bilang dalisay sa regla – kahit pa man ang dugo ng istiḥāḍah ay nasa kanya pa – saka maliligo mula sa pagreregla.
  4. Ang may istiḥāḍah ay hindi kinakailangan sa kanya ang pagpaligo para sa bawat ṣalāh dahil ang pagpaligo ni Ummu Ḥabībah bint Jaḥsh (malugod si Allāh sa kanya) ay isang pagsusumikap sa pagtalos mula sa kanya. Kung sakaling ito ay naging kinakailangan, talaga sanang naglinaw nito sa kanya ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
  5. Ang may istiḥāḍah ay inoobliga na magsagawa ng wuḍū' para sa bawat ṣalāh dahil ang ḥadath niya ay palagi, na hindi napuputol. Ang tulad niya ay ang bawat sinumang ang ḥadath ay palagi, gaya ng nagdaranas ng kawalan ng pagpigil sa pag-ihi o ng nagpapatuloy na paglabas ng utot.
  6. Ang pagtatanong sa mga may kaalaman tungkol sa isinusuliranin sa mga nauukol sa Relihiyon ay yayamang ang babaing ito ay dumaing sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at nagtanong dito tungkol sa dami ng pagdurugo na dinaranas niya.

Paglalahad ng mga salin

58 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
UG ئۇيغۇرچە Uyghur
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
FR Français Ang Wikang Pranses
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges
ML മലയാളം Malayalam
TE తెలుగు Telugu
SW Kiswahili Swahili
MY မြန်မာ Burmese
TH ไทย Thailand
DE Deutsch Aleman
PS پښتو Pushto
AS অসমীয়া Asami
SQ Shqip Albaniyano
SV Svenska السويدية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
KY Кыргызча Luqadda qer-qeesiya
NE नेपाली النيبالية
YO Yorùbá Luqadda yuruuba
LT Lietuvių الليتوانية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
SO Soomaali الصومالية
TG тоҷикӣ الطاجيكية
RW Kinyarwanda Luqadda kiniya ruwadiga
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
CS Čeština التشيكية
MOS Moore الموري
MG Malagasy Luqadda malgaashka
IT Italiano Italiyano
OM Oromoo Luqadda Oromaha
KN ಕನ್ನಡ Luqadda kinaadiga
WO Wolof الولوف
AZ Azərbaycan Luqadda Asariga
UZ O‘zbek الأوزبكية
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية
KMR Kurmancî الكرمنجية