1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan

Pagpapanibago Nagsasabi si Allah, pagkataas-taas Niya: Ako ay kasama ng lingkod Ko kapag naalaan niya Ako at gumalaw dahil sa Akin ang mga labi niya.

عن أبي هريرة رضي الله عنه قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «يقول الله تعالى: أَنَا مَعَ عَبْدِي مَا ذَكَرَنِي وَتَحَرَّكَتْ بِي شَفَتَاهُ».

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Nagsasabi si Allah, pagkataas-taas Niya: Ako ay kasama ng lingkod Ko hanggat umalaala siya sa Akin at gumalaw dahil sa Akin ang mga labi niya."

Tumpak dahil sa iba pa rito Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy bilang Mu'allaq - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad

Ang pagpapaliwanag

Ang ḥadīth ay nagpapatunay na ang sinumang umaalaala kay Allah, si Allah ay magiging malapit sa kanya at magiging kasama niya sa lahat ng mga kapakanan niya. Si Allah ay magtatama sa kanya, gagabay sa kanya, tutulong sa kanya, at tutugon sa panalangin niya. Ang kahulugan ng ḥadīth na ito ay nasaad sa isa pang ḥadīth sa Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy. Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Nagsasabi si Allah: Ako ay ayon sa palagay ng lingkod Ko sa Akin at Ako ay kasama niya kapag naalaala niya Ako. Kaya kung inalala niya Ako sa sarili niya, aalalahanin Ko siya sarili Ko; at kung inalala niya Ako sa madla, aalalahanin Ko siya sa madlang higit na mabuti kaysa sa kanila."

Paglalahad ng mga salin

16 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
FR Français Ang Wikang Pranses
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges