1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang Marangal na Qur'ān at ang mga Agham Nito

Pagpapanibago Ang sinumang nagsaulo ng sampung talata mula sa simula ng Kabanatang Al-Kahf, isasanggalang siya laban sa Bulaang Kristo."} Sa isang salaysay: "mula sa hulihan ng Kabanatang Al-Kahf

عن أبي الدرداء رضي الله عنه أن النبي صلى الله عليه وسلم قال:
«مَنْ حَفِظَ عَشْرَ آيَاتٍ مِنْ أَوَّلِ سُورَةِ الكَهْفِ، عُصِمَ مِنَ الدَّجَّالِ». وفي رواية: «مِنْ آخِرِ سُورَةِ الكَهْف».

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay Abū Ad-Dardā' (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Ang sinumang nagsaulo ng sampung talata mula sa simula ng Kabanatang Al-Kahf, isasanggalang siya laban sa Bulaang Kristo."} Sa isang salaysay: "mula sa hulihan ng Kabanatang Al-Kahf."

Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim Ṣaḥīḥ Muslim - 809

Ang pagpapaliwanag

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagsaulo ng sampung talata sa puso mula sa simula ng Kabanatang Al-Kahf, isasanggalang siya, sasanggaan siya, at iingatan siya laban sa tukso ng Bulaang Kristo na lilitaw sa wakas ng panahon at mag-aangkin ng pagkadiyos. Ang tukso niya ay magiging pinakamabigat na tukso sa lupa magmula ng nilikha si Adan hanggang sa pagsapit ng Huling Sandali dahil nagbigay-kapangyarihan sa kanya si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa paggawa ng ilan sa mga milagro na ipantutukso niya sa sinumang susunod sa kanya. Iyon ay dahil ang unang bahagi ng Kabanatang Al-Kahf ay may mga kababalaghan at mga tanda na higit na dakila malaki kaysa sa ipantutukso ng Bulaang Kristo sa mga tao sapagkat ang sinumang nagnilay-nilay ng mga ito ay hindi matutukso dahil sa Bulaang Kristo. Sa isang salaysay: "sampung talata mula sa hulihan ng Kabanatang Al-Kahf." Mula sa sabi ni Allāh (Qur'ān 18:102): {Kaya nag-akala ba ang mga tumangging sumampalataya na makagawa sila ...}

من فوائد الحديث

  1. Ang paglilinaw sa kainaman ng Kabanatang Al-Kahf at na ang mga simula nito o ang mga wakas nito ay nagsasanggalang laban sa tukso ng Bulaang Kristo.
  2. Ang pagpapabatid tungkol sa nauukol sa Bulaang Kristo at ang paglilinaw sa kung ano ang magsasanggalang laban sa kanya.
  3. Ang paghimok sa Kabanatang Al-Kahf nang buo; ngunit kung nawalang-kakayahan, isaulo ang unang sampung talata at ang huling sampung talata.
  4. Nagsabi si Al-Qurṭubīy hinggil sa kadahilanan niyon: [Ito ay] dahil sa nasaad sa kuwento ng magkakasama sa yungib na mga kababalaghan at mga tanda kaya ang sinumang nakaalam nito ay hindi magtataka sa nauukol sa Bulaang Kristo at hindi manghihilakbot doon saka hindi matutukso dahil doon; at sinabi ring dahil sa sabi ni Allāh (Qur'ān 18:2): {upang magbabala ng isang matinding parusa mula sa nasa Kanya,} bilang pagdidiin sa pagtatangi sa parusa sa katindihan at pinagmulan. Ito ay nababagay sa anumang mula sa Bulaang Kristo na pag-aangkin ng pagkadiyos, pagsasapanginoon niya, at bigat ng tukso niya. Dahil doon, nagmabigat ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng nauukol sa kanya, nagbigay-babala ito laban sa kanya, at nagpakamapagpakupkop laban sa tukso niya. Kaya ang kahulugan ng ḥadīth ay na ang sinumang bumigkas ng mga talatang ito, nagnilay-nilay sa mga ito, at nakaalam sa kahulugan ng mga ito ay makapag-iingat at matitiwasay laban sa kanya.

Paglalahad ng mga salin

46 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
UG ئۇيغۇرچە Uyghur
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges
ML മലയാളം Malayalam
TE తెలుగు Telugu
SW Kiswahili Swahili
TA தமிழ் Tamil
MY မြန်မာ Burmese
TH ไทย Thailand
DE Deutsch Aleman
PS پښتو Pushto
AS অসমীয়া Asami
SQ Shqip Albaniyano
SV Svenska السويدية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
NE नेपाली النيبالية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
MOS Moore الموري
MG Malagasy Luqadda malgaashka
KN ಕನ್ನಡ Luqadda kinaadiga
WO Wolof الولوف
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية