1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang Pinaniniwalaan

Pagpapanibago Kaya kapag humiling kayo kay Allāh, hilingin ninyo sa Kanya ang Firdaws."}

عَنْ عُبَادَةَ بْنِ الصَّامِتِ رَضيَ اللهُ عنهُ أَنَّ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«فِي الجَنَّةِ مِائَةُ دَرَجَةٍ مَا بَيْنَ كُلِّ دَرَجَتَيْنِ كَمَا بَيْنَ السَّمَاءِ وَالأَرْضِ، وَالْفِرْدَوْسُ أَعْلاَهَا دَرَجَةً وَمِنْهَا تُفَجَّرُ أَنْهَارُ الجَنَّةِ الأَرْبَعَةُ، وَمِنْ فَوْقِهَا يَكُونُ العَرْشُ، فَإِذَا سَأَلْتُمُ اللَّهَ فَسَلُوهُ الفِرْدَوْسَ».

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay `Ubādah bin Aṣ-Ṣāmit (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Sa Paraiso ay may isandaang antas, na ang pagitan ng bawat dalawang antas ay gaya ng pagitan ng langit sa lupa. Ang Firdaws ay ang pinakamataas sa mga ito sa antas at mula rito pinabubulwak ang apat na ilog ng Paraiso at mula sa itaas nito ay ang Trono. Kaya kapag humiling kayo kay Allāh, hilingin ninyo sa Kanya ang Firdaws."}

Tumpak Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy Sunan At-Tirmidhīy - 2531

Ang pagpapaliwanag

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na sa Paraiso ay may isandaang antas at katayuan, na ang pagitan ng bawat dalawang antas na distansiya ay gaya ng pagitan ng langit sa lupa. Ang pinakamataas sa mga paraisong ito ay ang Paraiso ng Firdaws. Mula rito pinabubulwak ang apat na ilog ng Paraiso at mula sa itaas ng Firdaws ay ang Trono. Kaya kapag humiling kayo kay Allāh, hilingin ninyo sa Kanya ang Firdaws yayamang ito ay nasa ibabaw ng lahat ng mga paraiso.

من فوائد الحديث

  1. Ang pagkakaibahan ng mga maninirahan sa Paraiso sa mga katayuan nila. iyon ay alinsunod sa pananampalataya at mga gawang maayos.
  2. Ang paghimok sa paghiling kay Allāh ng Firdaws na Pinakamataas na paraiso.
  3. Ang Firdaws ay ang pinakamataas na paraiso at ang pinakamainam nito.
  4. Nararapat sa Muslim na ang alalahanin niya ay maging mataas at na magpunyagi siya at humiling siya ng pinakamataas sa mga katayuan at pinakamainam sa mga ito sa ganang kay Allāh (napakataas Siya).
  5. Ang apat na ilog ng Paraiso ay ang mga ilog ng tubig, gatas, alak, at pulut-pukyutan na nababanggit sa Qur'ān sa sabi ni Allāh (Qur'ān 47:15): {Ang paglalarawan sa Paraiso – na pinangakuan ang mga tagapangilag magkasala roon ng mga ilog mula sa tubig na hindi nagbabago, ng mga ilog mula sa gatas na hindi nagbago ang lasa nito, ng mga ilog mula sa alak na kasarapan para sa mga tagainom, at ng mga ilog mula sa pulut-pukyutan na dinalisay,}

Paglalahad ng mga salin

40 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges
ML മലയാളം Malayalam
TE తెలుగు Telugu
SW Kiswahili Swahili
TA தமிழ் Tamil
MY မြန်မာ Burmese
TH ไทย Thailand
PS پښتو Pushto
AS অসমীয়া Asami
SQ Shqip Albaniyano
SV Svenska السويدية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
MOS Moore الموري
MG Malagasy Luqadda malgaashka
KN ಕನ್ನಡ Luqadda kinaadiga
WO Wolof الولوف
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية